Ginulat ni 100 Thieves Ethan “nahtE” Arnold ang kanyang mga radiant teammates nang pigilan nya ang isang post-plant molly sa isang Valorant ranked match.

100 Thieves Ethan pinakita kung pigilan ang isang post-plant molly

Valorant 100Thieves tierlist
Credit: 100 Thieves

Sa Twitch stream ni Tarik “tarik” Celik ng Evil Geniuses, na-clear ng defenders ang A-site sa Bind, maliban sa natirang kalaban na Brimstone.

Habang nakatago sa Bath, nagbato ito ng Incendiary molly habang nasa likod ng smoke ni Omen, na maaring mag-delay ng spike defuse.

Pero advance mag-isip si 100 Thieves Ethan, at nagsabing haharangan nya ang molly ng kalaban.

Ipinuwesto nya ang kanyang character sa para harangin ang molly ni Brimstone, na syang naging daan para makumpleto ni Tarik ang pag-defuse.

Ang mga molly lineups sa Valorant ang isa sa mga pinakamabisang paraan para makuha ang round sa post-plant situations, pero iilang players lang ang nakakaalam na kayang harangan ng mga character models sa Valorant ang mga projectiles na ito.