Pinakawalan ng North American esports organization na 100 Thieves si Joshua “steel” Nissan upang paglaruin si Aaron “b0i” Thao sa kanilang main Valorant roster.

Ang pagbabagong ito ay naganap ilang linggo matapos ang VCT Stage 3 Masters Berlin kung saan isa sila sa top four teams, ngunit nabigong masiguro ang slot para sa Valorant Champions 2021 matapos matalo sa Team Envy.

Si Nicholas “nitr0” Cannella ang papalit kay steel bilang in-game leader, at si Jonathan “seven” Hernandez naman ang tatayong bagong sixth-man ng roster.

100 Thieves Valorant roster

Valorant 100 Thieves at VCTStage3 Masters Berlin
Credit: Riot Games
  • Spencer “Hiko” Martin
  • Nicholas “nitr0” Cannella (IGL)
  • Peter “asuna” Mazuryk
  • Ethan “Ethan” Arnold
  • Aaron “b0i” Thao
  • Johann “seven” Hernandez (substitute)

Si steel ang nagsilbing in-game leader ng 100 Thieves mula nang mapabilang sya sa roster noong September 2020. Tinulungan nya ang squad na manalo sa North America First Strike tournament at sa VCT NA Stage 2 Challengers event.

Matapos pumutok ng balita, nag-tweet si steel na hindi pa sya tapos maging isang competitor at magbabalik sya sa 2022 VCT season.

Ano ang ibig sabihn ng roster change para sa 100 Thieves?

Valorant Nitr0 Team Liquid IEM Chicago
Credit: Team Liquid

Hindi na bago para kay nitr0 ang in-game leader role. Noong mga panahong naglalaro pa sya ng CS:GO, sya ang in-game leader ng Team Liquid noong 2017 na nanguna upang manalo sila sa maraming tournaments, kabilang na ang Intel Grand Slam Season 2 kung saan nanalo sila ng US$1 million.

Sa pagdating ni b0i sa kanilang active roster, mas magiging flexible ang mga agent picks ng squad. Ang 24-anyos na pro ay gumanap bilang controller at intiator para sa Andbox sa 2021 VCT season.

Valorant b0i 100 Thieves
Credit: 100 Thieves

Ang mga pagbabagong ito sa Valorant squad ng 100 Thieves ay nangyari dalawang linggo bago sila sumalang sa VCT NA Last Chance Qualifier. Ang mananalo sa tournament na ito ay mapapabilang sa 12 sa mga pinakamahuhusay na teams sa buong mundo na maglalaban-laban sa Valorant Champions 2021.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.