Nakakabilib ang international tournament debut ng 100 Thieves matapos nilang talunin ang Havan Liberty sa kanilang opening match sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Pagkatapos ng match, nagbigay ng in-depth analysis ang in-game leader ng 100 Thieves na si Joshua “Steel” Nissan tungkol sa triple initiator agent comp ng kanilang team gamit ang Sova, Skye, at KAY/O. Ibinahagi nya ang mga strengths at weaknesses ng trio, pati na rin ang kailangang gawin ng mga players para ma-execute ang ganitong streategy.

Ano ang triple initiator agent comp?

Ang triple initiator agent comp ng 100 Thieves ay binubuo ng Sova, Skye, at KAY/O, na madalas nilang ginagamit sa Haven at Ascent. Una nilang ginamit ang agent combination na ito noong VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs kung saan pumangalawa sila sa Sentinels.

Ang tatlong agents na ito ay sinasamahan ng Jett para sa malakasang firepower, at Omen para sa map control abilities.

SInabi ni 100 Thieves Steel na magkakapareho ang ideya ng kanilang roster sa kung paano gamitin si KAY/O nang una itong i-announce ng Riot Games noong June 2021.

“We actually felt that a lot of teams would be switching away from sentinel agents and switch over to KAY/O, because he can be really disruptive to sentinel agents and their defensive setups,” paliwanag ni Steel. “I was actually shocked when I learned teams aren’t running KAY/O. We noticed that pretty early in practice.”

Bakit Sova, Skye, at KAY/O ang ginagamit sa Haven at Ascent?

Valorant 100ThievesSteel
Credit: 100 Thieves

Naniniwala si Steel na mas nagkakaroon ng flexibility ang mga teams na may triple initiator comp sa kahabaan ng game. Mas kaya nilang maging proactive sa defense sa tulong ng ikatlong initiator na si KAY/O, nadaragdagan din ang kanilang options sa pag-execute ng push sa attack.

“In a few maps, it worked out for us. In some other maps it wasn’t working as great,” sabi ni Steel. “We notice inconsistencies because of the holes in our defense, but I think it works to a certain degree, depending on how you play the triple initiator agent comp.”

Paano gamitin ang triple initiator agent comp sa Valorant?

Valorant 100ThievesVCTStage3MastersBerlin
Credit: Riot Games

Ayon kay Steel, nangangailangan ng matinding communication at teamwork kung meron kayong Sova, Skye, at KAY/O sa inyong team. “If you’re going to defend an area, you need your teammates to come and work with you,” paliwanag nya. “You can’t be alone on an island and one-versus-five [the enemy team].”

At dahil ang mga initiators ay may balanced agent abilities para sa attack at defense, maaaring mag-mix and match ang mga teams sa kanilang setups kada round.

Kailangang magpalit-palit ng posisyon ang mga teams na gumagamit ng triple initiator agent comp para patuloy na manghula ang kalaban. Sa attack naman, iba-ibahin ang agents na gagawa ng first move para iba-iba rin ang approach.

Bagama’t patuloy na gumagamit ng Sova, Skye, at KAY/O ang 100 Thieves tuwing maglalaro sa Haven at Ascent, aminado si Steel na sina Cypher at Killjoy pa rin ang best agents para mag-hold ng sites at dumepensa sa ilang bahagi ng mapa. Ito ang dahilan kung bakit gumagamit pa rin sya ng Killjoy sa Icebox, at Cypher sa Breeze at sa Bind.

Naniniwala si Steel na ang triple initiator agent comp ay pinaka epektibo sa isang professional setting, dahil mas coordinated ang mga pro teams kumpara sa mga players na nasa mga ranked matches.

Panoorin ang 100 Thieves at si Steel sa VCT Stage 3 Masters Berlin upang makita kung paano i-execute ang triple initiator agent comp. Aabante sa winners’ match ang 100 Thieves matapos talunin ang Havan Liberty sa kanilang international debut.

Hinihintay nila ang mananalo sa pagitan ng Gambit Esports at Crazy Raccoon sa Group C.

Mapapanood ang VCT Stage 3 Masters Berlin nang live sa official Twitch and YouTube channel ng Valorant.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.