Kamakailan lamang ay pinangalanan ng Valorant roster ng 100 Thieves ang sa tingin nila ay mga pinakamagigilas na na kupunan sa North America na lalahok sa Valorant Champions Tour.
Tinalakay nina Joshua “Steel” Nissan, Nicholas “Nitr0” Cannela, Ethan “Ethan” Arnold, at Peter “Asuna” Mazuryk ang mga kilalang roster sa NA region at iniligay sa kani-kaniyang tier gayundin ang mga rason ng posisyunan.
Listahan ng 100 Thieves ng top Valorant teams sa North America
S-tier

Nagkaisa ang apat na players ng 100 Thieves na sinabing Team Envy at Sentinels naghaharing Valorant teams sa North America.
Ani pa nga ni Ethan, ang Sentinels daw ay ang ““the Astralis of Valorant,” isang mataas na pagpupuri galing sa pro. Ang Astralis ay isa sa mga pinakamagagaling na CS:GO organizations sa history ng laro. Tinatayang US$9 million ang napanalunang premyo ng organisasyon sa mga tournaments na sinalihan nila.
Ibinilang din ng 100 Thieves ang XSET sa listahan na ito, dala ng kanilang magiting nilang performance kontra sa Sentinels sa nakaraang VCT NA Stage 3 Challengers 1 Main Event.
A-Tier

Katulad ng S-tier list, nagkaisa din ang apat nang ibinilang nila ang Gen.G Esports, T1 at TSM sa A-tier list. Paliwang ni Ethan, malikot daw ang ranking TSM para sa kanila. “On a good day, they’re A. On a bad day, they’re C.”
B-Tier

Gaya ng tier list ng Sentinels pro player na si Shahzeeb “ShahZaM” Khan, naniniwala ang 100 Thieves na may potensyal ang Andbox para maging isa sa mga top Valorant teams sa North America. Sa pagitan ng S at B tier nakapuwesto ang nasabing team ayon sa 100 Thieves players.
Papuri naman ang nakuha ng Luminosity Gaming kay Asuna na nagsabing “Diondre ‘YaBoiDre’ Bond is playing crazy well, “If he keeps playing like that, he can carry this team to becoming an A.”
Nilagay din nila sa B-tier ang FaZe Clan, Rise at Version 1.
C-tier

Sa C-tier naman, tiwala ang 100 Thieves players sa kargada ng Immortals and Ghost Gaming rosters.
Binigyang diin ni Asuna na ang mga players ng Ghost Gaming na sina Marc-Andre “NiSMO” Tayar at Gian “koalanoob” Potestio ay mga talentadong players. Sa kabilang banda, binanggit ni Ethan na nakakatakot ang roster ng Immortals “on paper”. Kasama ng mga nasa C-tier list ang Pioneers.
D-tier

Sa simula pa lamang ng video, pinuwessto ng 100 Thieves ang kanilang sarili sa D-tier kasama ng Built By Gamers, Renegades at Serenity.
Nagbiro pa nga si Steel na inilista ang Cloud 9 sa nasabing tier, kasabay ang pang-aalaska sa dati niyang mga CS:GO teammates na sina Nathan “leaf” Orf at Erick “Xeppaa” Bach.
Pagdako naman sa NRG, naguluhan ang mga player ng 100 Thieves. Naniniwala silang mga S-tier level ang roster na mayroon ang kupunan, ngunit nagiging B-tier players kapag nagkakasama sa laro.
Mga kupunan sa labas ng NA
Noong tinanong tungkol sa rankings ng mga kupunan sa labas ng kanilang rehiyon, sinabi ni Asuna na, “We have no idea where to put the other international teams, we have not played them. It would be a disgrace to rank them because I don’t know what their styles would be like and how they are.”
Kaya naman kapag naka-qualify ang 100 Thieves sa VCT Stage 3 Masters Berlin, pumayag silang gumawa ng tier list para sa international Valorant teams.