Wala pang ipinapakilalang bagong game mode ulit ang Valorant sa mga nakalipas na buwan. Ang huling mode na Replication ay idinagdag noon pang Mayo 2021 at wala pang bago sa live servers mula noon.

Pero maaaring magkaroon ng pagbabago sa hinaharap. Naglitawan kamakailan ang leaked screenshots ng isang 1v1 game mode sa Valorant. Ipinapakita nito na maaaring nagde-develop ang Riot Games ng isang natatanging arena mode na hahayaan ang mga manlalaro na magpagalingan pagdating sa tutok.

Matagal nang feature sa CS:GO ang 1v1 maps, salamat sa community-created workshop maps na nagfa-facilitate ng aim duels sa maliliit na espasyo.


Maaaring gumagawa ang Riot ng 1v1 game mode sa Valorant

Jett Dash Nerf
Credit: Riot Games

Ayon sa sikat na dataminer na ValorLeaks, pinakamainam na gawing best-of-10 o best-of-13 ang 1v1 game mode sa Valorant.

Gayunpaman, kakaunti pa rin ang detalye patungkol sa mode na ito at wala pang opisyal na konpirmasyon mula sa Riot kung mayroon ba talaga silang ginagawa na ganito.

Sa isang TwitLonger kamakailan, nagpahaging si Arnar Hrafn Gylfason, director of product management ng Riot, na may “new mode work” ngunit wala na siyang ibinahagi na detalye patungkol dito.

Screenshot kung saan makikita ang posibleng 1v1 game mode sa Valorant
Credit: Valorant Info

Tampok din sa screenshot ang isa pang mode na kung tawagin ay Quick Play, pero hindi pa alam kung ano ang pinagkaiba nito sa existing na Unrated mode kung saan nakakapaglaro ang players ng regular games nang walang pag-aalinlangan sa kanilang rank.

Sa Overwatch, ang Quick Play ay katumbas ng Unrated sa Valorant. Kung may pahiwatig ang pangalan nito, ang Quick Play mode ng Valorant ay maaaring parehas sa maiiksing competitive matches ng CSGO kung saan ang unang koponan na makakuha ng siyam na round (sa halip na 16) ang panalo.

Ang isang regular game ng Valorant ay tumatagal ng 20 hanggang 40 minuto, na kung tutuusin ay medyo mahaba na para sa mga manlalaro na gusto lang ng mabilis na pampalipas oras.

Matagal nang naghahanap ng bagong mode ang community, at maaaring isa na rito ang 1v1 game mode sa Valorant. Ngunit sa ngayon, pwede palakasin muna natin ang ating aim o kaya i-grind ang battle pass.

Para sa Valorant news, guides at highlights, pwede niyong i-like at i-follow ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.


Base ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.