Locked in na sa VCT Stage 3 Masters Berlin ang 16 na pinakamagaling na Valorant teams sa buong mundo. Salamat na rin sa additional slots na binigay sa iba’t-ibang mga rehiyon, 13 teams ang magde-debut internationally.
Sentinels, Crazy Raccoon, at KRU Esports lang ang mga koponan na nakipagbarilan sa Stage 2: Masters Reykavik na babalik sa Berlin, Germany ngayong Setyembre. Bagamat may mga bagong pangalan, meron ding mga koponan na matagal nang inaabangan sa international stage.
Narito ang 5 Valorant teams na mag-i-international debut sa VCT Stage 3 Masters Berlin
100 Thieves, kakatawanin ang NA region kasama ang Sentinels at Envy

100 Thieves ang kauna-unahang kampeon ng Valorant NA, pero nag-struggle silang makabalik sa championship form simula Stage 1 Challengers.
Nakapagtala ang koponang ito ng mga kamangha-manghang stats sa kanilang rehiyon. ika-apat sa may pinakamataas na headshot percentage sa NA si Spencer “Hiko” Martin sa 30%. Si Joshua “steel” Nissan naman ang may pinakamataas na assists-per-round, bukod pa sa 24% clutch percentage niya.
Ang isa sa pinakabatang players na sasabak sa VCT Stage 3 Masters Berlin na si Peter “Asuna” Maruryk ay may isa sa pinakamataas na average combat scores din sa NA region.
Matapos ang second-place finish ng 100 Thieves sa VCT NA Stage 3 Playoffs, kakatawanin nila ang nasabing rehiyon kasama ang Envy at kasalukuyang hari ng Valorant na Sentinels sa VCT Stage 3 Masters Berlin.
Vision Strikers mag-i-international debut na sa wakas

Vision Striker ang unang team na naka-qualify sa VCT Stage 3 Masters Berlin.
Gumawa ng Valorant history ang koponang ito dahil sa kanilang 100-game win streak, pero bigo silang makatapak sa international stage ng Reykjavik.
Simula noon, bumalik na sa kanilang roster si Kim “Lakia” Jong-min, na dating naglalaro para sa NUTURN, pati na rin sina Yu “BuZz” Byung-chul at Kim “MaKo” Myeong-kwan.
Parte ng unang Vision Strikers roster si Lakia noong early days ng Valorant, pero sumali ito sa NUTURN pag pasok ng 2021. Malaki ang ambag nito sa tagumpay ng naturang koponan noong Masters Reykjavik bilang Initiator. Kinilala pa nga siya bilang ang MVP noong ika-apat na araw ng turneo.
May unusual seven-man roster at tatlong coach ang Vision Strikers, kasama na dito ang dating player na si Kim “glow” Min-soo. Ginagawa nitong unpredictable ang koponan dahil pwede nilang i-mix-and-match ang kanilang mga player sa iba’t-ibang maps.
New and improved Zeta Division magde-debut sa VCT Stage 3 Masters Berlin

Dating kilala bilang Absolute Jupiter, tagumpay lang ang tanging dala ng pag-glow-up ng Zeta Division matapos nilang maging top-seed ng Japan sa Berlin.
Pinangibabawan na ng koponang ito ang Japanese Valorant scene noong First Strike: Japan at VCT Stage 1.
Bilang Zeta Division, nais ng koponan na muling kunin ang kanilang korona, at hindi ito nakalagpas sa mata ng Team Liquid coach na si Conor “Sliggy” Blomfield at G2 player na si Oscar “mixwell” Cañellas Colocho.
Tinawag ni Sliggy si Koji “Laz” Ushida bilang “beast” ‘pag gumagamit ng Cypher. Binansagan din siya bilang “The Tactician” noong VCT First Class. Bukod dito, kilala rin siya bilang ang clutch king ng Japan dahil kaya niyang gamitin ang bawat impormasyong kanyang makukuha para mabaliktad ang mga imposibleng round.
Maaaring maganap ang best Jett vs Jett battle ng mundo dahil sa Acend

Maaaring tignan ang Acend Club bilang ang wild card entry ng EU para sa Masters Berlin. Pinangibabawan ng mga ito ang EMEA scene noong VCT Stage 2 at third-place finish naman noong Stage 3 EMEA playoffs.
Ang x-factor para sa Acend Club ay ang kanilang Turkish player na si Mehmet Yağız “cNed” İpek, na binabansagan bilang ‘best Jett in the world’ – isang titulo na aprubado mismo ni Tyson “TenZ” Ngo ng Sentinels.
Dahil sa pagtapak ni cNed sa international stage, bukas ang pagkakataon para sa Jett vs Jett battle kontra TenZ sa VCT Stage 3 Masters Berlin.
Bren Esports, dadalhin ang #LabanPinas sa Berlin

Matapos koronahan bilang kampeon ng M2 World Championship, sa international stage ng Valorant naman magpapakitang-gilas ang esports organization na Bren Esports.
Sa dalawang mapa lang natalo ang Bren Esports para pangibabawan ang VCT Stage 3 SEA Playoffs. Binubuo ng mga Filipino FPS veteran, determinado ang mga ito na patunayan ang tikas ng SEA kontra sa mga higante ng Valorant scene gaya ng Sentinels.
Breakout star ang Bren Esports’ duelist na si Jayvee “DubsteP” Paguirigan noong nagdaang qualifier. Dahil sa kanyang high-performance bilang Jett, binansagan siya ng fans bilang ang Jett ng SEA.
“We are playing against the best of the best of the best this time,” banggit ni Coach Gilbert “Gibo” Sales Jr. sa ONE Esports. “We will not take things lightly.”
Nakatakdang ganapin ang VCT Stage 3 Masters Berlin simula ika-siyam hanggang ika-20 ng Setyembre. Maaari itong subaybayan sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.