Nakita sa VCT Stage 1 Masters Reykjavid 2022 ang iilan sa mga nakakapagpigil ng puso na mga laro, kasabay ang pagangat ng mga underdog na rehiyon tulad ng Brazil, Japan, at APAC. 

Iilang bagong agent composition ang nangibabaw sa bawat mapa, salamat sa bagong rework ng controller agents na nagpatalsik kay Astra at Viper sa tuktok ng totem pole. 

Habang hindi talaga nagamit ang British duelist na si Phoenix sa Icaland, nakakita ng tagumpay sina Yoru, Reyna, at Neon bilang mga hindi inaasahang agents na mapipili. 

Ito ang breakdown ng mga pinakasikat na Valorant agent compositions sa bawat mapa ng Masters Reykjavik 2022. 

Best agent compositions sa bawat mapa ng Masters Reykjavik 2022 

Valorant Ascent agent composition
Credit: Riot Games

Ascent – Jett, Sova, Omen, KAY/O, Killjoy 

AGENT PICK RATE 
Jett 100% 
Sova 100% 
Omen 79% 
KAY/O 71% 
Killjoy 75% 

Ang agent composition na ‘to ay hindi nagbago sa Ascent, kahit na na-nerf pa si Astra. Nakahanap ng lugar si Omen sa Venetian map na ‘to muli, ngunit ang core na sina Jett, Sova, at Killjoy ay napili ng halos lahat ng team na naglaro sa Ascent sa Iceland. 

Kahit ang Paper Rex, isang teaam na kilala sa kanilang matinding double duelist comopsitions, ay nanatili sa isang single duelist lieup. Nagbubukod dito ang Korean powerhouse na DRX na gumamit kina Chamber, Skye, at Astra. 

Isang malakas na pick si Killjoy sa pag-lock down ng B site, habang ang mga Nanoswarm grenades at FRAG/MENt ni KAY/O ay nagbigay ng mataas na post-plant utility. Kasabay niyan, ang maraming vantage points para sa isang Operator na naka-depensa ay ginawang isang mahalagang pick si Jett rin.  
 

Icebox – Jett, Sova, Viper, Sage, Chamber 

Valorant Icebox agent composition
Credit: Riot Games
AGENT PICK RATE 
Jett 79% 
Sova 100% 
Viper 100% 
Sage 96% 
Chamber 58% 

Hindi masiyadong nakita si Sage sa ibang mga mapa, ngunit mahalaga siya sa Icebox. Naging isang pundamental na building block sina Jett, Sova, Viper, at Sage sa kahit anong Icebox composition, habang ang pang-limang agent ay napupunta sa isang desisyon sa pagitan nina Chamber, KAY/O, o Killjoy. 

Isang kapansin-pansing outlier ang Masters Reykjavik champions na OpTic Gaming, dahil hindi sila gumamit ng duelist composition, matapos nilang piliin si KAY/O imbis na kay Jett. 

Malaki ang naging pakinabang ng mga wall ni Sage sa attack at defense at nakatulong ito I-block off ang mga key sighlights para makapag-plant o makapag-defuse ng spike. Habang ang Toxic Screen wall naman ni Viper ay ang pinaka-epektib sa pagtanggi ng vision kapag umaatake, kaya siya ang pinili kaysa sa mga dome smokers tulad nina Brimstone o Omen. 

Split – Raze/Jett, Sage, Omen/Astra, Skye/Breach, Cypher 

Valorant Split agent composition
Credit: Riot Games
AGENT PICK RATE 
Raze 80% 
Jett 40% 
Sage 90% 
Omen 50% 
Astra 50% 
Skye 45% 
Breach 35% 
Cypher 40% 

Ang Split ang isa sa mga mapa kung saan paiba-iba ang mga agent composition. Bawat team ay may kakaibang composition, ngunit sina Raze, Sage, at Omen ang nanatiling pinakasikat na picks. 

Napusuan si Raze kaysa kay Jett dahil ang kaniyang Paint Shells grenades at Boom Bot ay maganda para malinis ang mga masisikip na lugar tulad ng Vents, Screens, at A Elbow. Kasabay niyan, isang perkpetong tool ang wall ni Sage para makatanggi ng space sa mid kapag defense, at dahil dito napwersa ang mga kalaban na makipaglaban para sa kontrol. 

Pinalitan rin ni Omen si Astra bilang controller, ngunit ang mga teams tulad ng OpTic Gaming, Zeta Division, DRX, at Team Liquid ay nanatiling nangingibabaw sa Ghanaian agent. 

Haven – Jett, Omen, Skye, Breach, Killjoy 

Valorant Haven agent composition
Credit: Riot Games
AGENT PICK RATE 
Jett 83% 
Omen 78% 
Skye 78% 
Breach 67% 
Killjoy 50% 

Mukhang hindi na naging pabor ang mga players kay Sova sa Haven, matapos piliin ng mga teams sina Skye at Breach bilang initiatiors. 

Maaring ma-clear ng Trailblazer ni Skye ang mga mapanganib na anggulo tulad ng A Short, katulad ng Owl Drone ni Sova, habang nagbibigay pa ito ng karagdagang pop flash utility para makatulong sa team push ng mga sites. Ang Fault Line stun at Flashpoint blind naman ni Breach ay nakakatulong para matulak ang mga kalaban sa mga angles. 

Ang defensive utility naman ni Killjoy ay naging mahalaga dahil may tatlong sites na kailangan I-hold sa Haven, ngunit ang ilang teams tulad ng OpTic ay piniling gamitin si Chamber. Ang Trademark traps ni Chamber ay hinahayaang makakuha ng presensya ang mga teams sa kabilang dako ng mapa, isang malaking advantage sa isang mapa na kasinglaki ng Haven. 

Si Omen naman ay pinaburan kaysa kay Astra matapos ang paglabas ng patch 4.04. Ngayon na may apat na stars na lang siya, nahihirapan na si Astra na magkaroon ng sapat na smokes para sa mid-round rotations sa Haven habang sinusuportahan ang kaniyang team gamit ang Gravity Well at Nova Pulse. 
 

Fracture – Breach, Chamber, Brimstone, Viper, Jett/Raze 

Valorant Fracture agent composition
Credit: Riot Games
AGENT PICK RATE 
Breach 94% 
Chamber 81% 
Brimstone 69% 
Viper 44% 
Jett 38% 
Raze 38% 

Sina Breach, Chamber, at Brimstone naman ang bumuo sa main cast ng halos lahat ng agent compositions sa Fracture. Sa kabilang palad naman, hindi nakatanggap ng pagmamahal sina Skye at Sova sa Kingdom research facility, matapos silang hindi piliin ng kahit anong team. 

Naging napaka-importante ng Fault Line stun ni Breach sa pagkuha ng mga lugar tulad ng A Main, at nakitang narihapan ang Ninjas in Pyjamas laban sa Zeta Division kapag wala si Breach. Hindi sila na-push ang Operator ng Zeta sa isang malakas na angle lock down sa A Main, kaya naman nakakuha ng mga mahahalagang kills si Koji “Laz” Ushida. 

Ang Trademark traps ni Chamber naman ay naging mahalaga sa pag-tanaw ng mga flank sa parehas na sides. Hindi sila uma-activate kahit saan man si Chamber, kaya palaging may impormasiyon ang mga attackers kung saan sila aatakehin. 

Si Brimstone ang pinakasikat na controller so far sa Fracture. Palagi siyang napipili kasama si Viper sa mga double controller compositions para makakuha ng mas malakas na kontrol sa mga crisscrossing sightlines ng Fracture. 

Habang nakahanap naman ng tagumpay ang OpTic gamit sina Neon sa Fracture matapos makakuha ito ng 100 percent win rate sa Masters Reykjavik 2022, maraming teams rin ang natuto kung paano magamit nang maayos ang electric speedster. 
 

Bind – Raze, Skye, Viper, Brimstone/Astra, Sage/Chamber 

Valorant Bind agent composition
Credit: Riot Games
AGENT PICK RATE 
Raze 100% 
Skye 100% 
Viper 83% 
Brimstone 50% 
Astra 33% 
Sage 33% 
Chamber 42% 

Ang Bind ang natatanging mapa kung saan walang naging saysay si Jett. Ang explosive duelist na si Raze ang naging go-to pick matapos makakuha ng 100 percent pick rate. Ang kaniyang abilidad mag-clear ng mga masisikip na lugar tulad ng Hookah at Lamps gamit ang kaniyang Paint Shells grenade ay hinayaan ang mga teams na matalo ang mga teams nang mas madali kumpara kay Jett. 

Si Raze ay sinamahan nina Skye at Viper at binuo ang base ng bawat agent composition sa Masters Reykjavik 2022. 

Sa Fracture naman, palaging ipinagsasama si Viper sa isa pang controller agent tulad nina Brimstone o Astra. Dahil sa kanilang mas mataas na fuel drain tuwing active ang Toxic Screen and Poision Cloud niya, kailangan na ngayon ng team ng isa pang dome smoker para ma-block off ang mga additional na sightlines. 

Ang sentinel spot sa Bind compositions ay pinuna nina Chamber o di kaya si Sage. Kayang mag-rotate ni Chamber nang instant sa bawat side sa defense gamit ang kaniyang Rendezvous anchors, habang mahalaga naman ang wall ni Sage sa attack para matiyak ang isang safe plant. 
 

Breeze – Jett, Sova, Viper, Chamber, KAY/O 

Valorant Breeze agent composition
Credit: Riot Games
AGENT PICK RATE 
Jett 100% 
Sova 100% 
Viper 100% 
Chamber 100% 
KAY/O 83% 

Limang teams lang ang naglaro sa Breeze sa Masters Reykjavik 2022, ngunit lahat ay sumangayon kung anong agent composition ang gagamitin. Nakakita ang Breeze ng pinakamaraming parehas na variations sa agent – maliban nalang sa DRX na gumamit kay Skye kaysa kay KAY/O. 

Naging maganda rin ang performance ni Viper bilang natatanging controller sa Breeze dahil kayang putulin sa dalawa ng kaniyang Toxic Screen wall ang mga sites para sa attackers, kahit na hindi pa niya gamitin ang kaniyang Poison Cloud. Kasabay niyan, kayang ma-hold nina Jett at Chamber ang mahahabang sightlines ng Breeze, at may access rin sila sa mga abilidad para makatakas nang mabilis. 

Ang Recon Bolt ni Sova ay naging importante para mag-check ng mga sites bago umatake. Kapag gumamit ng isang paghahalo ng supression blade at grenade ni KAY/O, kayang-kaya ng mga teams na ma-clear ang mga anggulo at mapitas ang mga kalaban na nagtatago sa site. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at gabay tungkol sa Valorant.