Inanunsyo ni Nuengnara “23savage” Teeramahanon ng T1 sa kanyang social media page na sya, kasama ang iba pang prominenteng Thai Dota 2 pros, ay sasali sa nalalapit na Valorant VCT Thailand Stage 3 Challengers Open Qualifiers.
Katuwaan lang ang pagsali ng mga Thai Dota 2 pros sa tournament. Pabirong binanggit din nila sa kanilang post na hindi sila tatanggap ng kahit anong sponsorship sa kadahilanang maaari rin silang mag-disband anumang oras.
Thai Dota 2 pro lineup para sa VCT Thailand ayon kay 23savage

Ibinahagi ni T1 23savage ang Valorant agent roles na gagampanan ng bawat isa.
- IGL (in-game leader): Toyzakung
- Supports: Motivate.Trust Gaming Natthaphon “Masaros” Ouanphakdee, Motivate.Viper Gaming Anurat “boombell” Praianun
- Duelists: T1 23savage, Fnatic Anucha “Jabz” Jirawong
Pabirong sinabi rin ng 19-anyos na Dota 2 pro player na ang layunin nila ay “to break X10 Esports,” ang pinakamahusay na Valorant team sa rehiyon na nag-qualify sa VCT Stage 2 SEA Challengers Playoffs at lumaban sa VCT Stage 2 Masters Reykjavik.

Sa comments section ng Facebook post ni 23savage, pinagtatawanan ni Fnatic Jabz ang Valorant skills ng kanyang team at sinabing hindi tuwid ang mga Sage walls ni Masaro, merong not-so-good one-way smokes ang Omen ni Toyzakung, hindi alam gamitin ni boombell ang skills ni Viper, at hindi nakakabaril sa kalaban ang Reyna ni 23savage.
Ang mga Thai Dota 2 pros ay lalaban mula July 31 hanggang August 1. Ang T1, Fnatic, at Motivate.Trust Gaming ay lalaban din sa paparating na BTS Pro Series S7: Southeast Asia na gaganapin mula August 1 hanggang 15.
Sina 23savage, Jabz, at Masaros ay maglalaro sa tournament, nangangahulugang kahit umabante sa VCT Thai Stage 3 Challengers Open Qualifiers ang Thai Dota 2 team ay mafo-forfeit din sila.