Ipinapakilala ng Alliance ang kanilang kauna-unahang all-female Valorant team, ang Coven.

Ang Coven din ang unang women’s division para sa Sweden-based esports organization, tampok ang isang grupo ng mga players mula sa EMEA region na dati nang nag-compete para sa Chat Banned.

Sa ilalim ng Chat Banned banner, nakuha ng team ang 5th-6th place sa VCT Game Changers 2021 EMEA Series 3.


Kilalanin ang Alliance.Coven

Valorant roster ng Alliance.Coven para sa 2022 season

  • Lada “h6tedthemost” Kozhemyakina
  • Jade “Jade” Duffy
  • Dana “Danah” Almadhoun
  • Julie “Pinkalie” Lim  
  • Laure “Xaline” Mateos

Ang mga players na ito ay nagmula sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang Russia, Scotland, Qatar, at France.

“Today we take a huge leap for Alliance as an organization and complete a personal dream of mine as we welcome our first all women’s division in Valorant Coven,” sabi ni Kelly Ong, Chief Strategy Officer.

“Coven is a division of fierce competitors who will represent the values we’ve been building in Alliance for years.”

Sila ay sumasailalim sa gabay ng kanilang manager na si Nico “Myagus” Gonzalez-Beltran, at coach na si Aymeric “Izzy” Ast.

Ang Coven ay naging bahagi ng Valorant Champions Tour qualifier, VRL France: Revolution qualifiers, at VCT Game Changers nitong nakaraang buwan. Kasama na sila sa mga major organizations na isinusulong ang pagkakaroon ng female Valorant rosters,kabilang ang G2 Esports, Team Liquid, at TSM.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.