Sa ginanap na VCT Game Changers Southeast Asia: FSL Open VI Playoffs noong nakaraang linggo, hinarap ng defending champion na Alter Ego Celestè ang matagal na nilang karibal na Galaxy Racer.

Pinili ng Indonesia-based na Alter Ego ang Split sa Map 2 ng best-of-five grand finals kung saan naglaro sila ng kakaibang agent composition na wala ni isang duelist.

Oo alam namin na mahirap isipin ang mundo na walang Jett, pero ito na ang ikatlong beses na ginawa ito ng Alter Ego sa FSL Open VI Playoffs matapos nila itong gawin sa unang dalawang round ng knockout stage.

Hindi kumuha ang Alter Ego Celestè ng kahit sinong duelist at sa halip ay naglaro sila ng tatlong sentinel, isang controller at isang initiator sa Split

Pinili ng Galaxy Racer ang Icebox para sa Map 1 at muntik na itong maipanalo laban sa kasalukuyang reyna ng FSL Open ngunit kinapos sila sa dulo.

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Isa ang Split kung saan pinakamalakas ang Alter Ego Celestè kagaya na lamang sa Ascent. Ngunit sa Map 2 na ito, nakakagulat na sa isang high stakes grand final match ay pinili ng AEC na mag-stick sa isang composition na walang duelist. Bumuo sila ng comp na may tatlong sentinel na sila Killjoy, Cypher at Sage, isang controller na si Omen at isang initiator na si Skye.

At dahil pinili ng Galaxy Racer na magsimula sa defenders side, kinailangan ng Alter Ego na laruin ang unang 12 rounds sa attackers side na walang duelist.

Paano umatake ang Alter Ego Celestè nang walang duelist?

Matapos ma-clutch ang unang round, bumili ang Alter Ego Celestè ng mga Specter sa pangalawang round at muling inatake ang B site. Apat ang sumugod sa mid at ang isa naman ay nasa main.

Pagkatapos gamitin ng Omen ang Dark Cover sa ropes at sa staircase sa heaven, pinadala ng AEC ang Trailblazers ni Skye para itulak ang Galaxy Racer. Doon na binagsak ng Cypher ang Spycam sa heaven habang pumapasok ang koponan sa site mula sa taas.

Nalagas man ang apat na miyembro ng AEC, nakapag-clutch naman si Nurul “Ayumii” Aini (Killjoy) sa pamamagitan ng pag-plant ng spike at pagpanalo ng 1v1 duel.

Sa paglusob naman sa A, pinili ng AEC na hindi i-clear ang heaven. Naglapag sila ng Cyber Cage para maharangan ang ramp at nag-smoke sa window gamit ang Omen-Killjoy molly combo.

Mula doon, pumasok na ang limang miyembro para i-clear ang site sabay lapag ng Sage wall at screens para lalong malimitahan ang galaw ng kanilang kalaban.

Nakapagbaon ng malaking kalamangan ang Alter Ego Celestè sa attackers side at ‘di na nag-choke mula doon para makuha ang 13-8 panalo sa Split.

Naging mahigpit ang barilan sa Map 3 na Bind pero nanaig pa rin ang Alter Ego, 15-13, sa overtime.

Sa post-game interview, ipinaliwanag ni in-game leader (IGL) Ryona “Tarathiel” Tan ang kakaibang strategy ng AEC.

“The night before we went up against Wildfire Sphinx, Eisberg, enerii, and Ayumii they called me to tell me, ‘Tara, can we play three Sentinels? We want to play no duelist.’ They had all the setups and they presented to me their ideas, and I said, ‘Sure, just go with it.’”

Alter Ego Celestè
Credit: FSL FPS

Nakuha na ng Alter Ego Celestè ang lahat ng anim na FSL Open ngayong 2021 habang apat sa lima ang naipanalo nila noong 2020. Mayroon na silang 10 titulo pero gigil pa rin sila na masungkit ang korona sa FSL Elite na gaganapin sa October kung saan kasama nila ang Galaxy Racer at Renatus White.

Sundan ang FSL FPS para sa mga pinakabagong update tungkol sa VCT Game Changers Southeast Asia.

Maaari niyong mabasa ang orihinal na article dito.