Ang Valorant squad na 100 Thieves ay naganunsyo ng kanilang listahan ng top Valorant pro players sa North America.
Ginawa ng squad ang tier lists para maipakita ang mga pinakamahusay na pro players sa kani-kanilang roles. Maliban sa pag-rank ng sarili nilang players, ang 100T ay nagdagdag rin ng ibang teams sa kanilang top ranks.
Ganito nila nirank ang mga players:
Controllers
Para sa controllers, nilagay ng 100T si Yassine “Subroza” Taoufik sa taas ng rank kahit na tinalo nila ang TSM sa mga match-ups nila. Na-lock in rin ni Joshua “steel” Nissan, Jared “zombs” Gitlin ng Sentinels at Zachary “ZachaREEE” Lombardo ng FaZe Clan ang S-tier dahil sa kanilang kahanga-hangang performance sa NA Masters.
- S-tier: Ethan, nitr0, Subroza, zombs, ZachaREEE
- A-tier: Som, jcStani, mummAy, YaBoiDre
- B-tier: autimatic, Wedid, gMd
- C-tier: Relyks, seb
Duelists
Sa duelists naman, pinuri ng 100T ang mga nanalo sa tournaments. Bilang main clutch shooters ng champion squad na Sentinels, sina Shahzeb “ShahZam” Khan, Hunter “SicK” Mims at pro player na si Tyson “TenZ” Ngo ay napili para sa S-tier.
Bilang isa sa mga standout duelists sa Valorant, itinalaga ng 100T si Matthew “Wardell” Yu ng TSM bilang isang A-tier player.
“I mean it’s hard for a Jett player not to be A,” sabi ni 100T duelist Peter “Asuna” Mazuryk.
- S-tier: ShahZaM, Asuna, SicK, Victor, babybay, TenZ
- A-tier: Shawn, kaboose, ShoT_UP, moose, Wardell, ANDROID, huynh, drone, dicey, corey
- B-tier: yay, thief, leaf, Marved, mitch
- C-tier: AYRIN, Spyder, mada, Kehmicals
- D-tier: Shanks, poiz, PureR
Initiators
Dahil matagal ng pro sa FPS sina Spencer “Hiko” Martin at Sam DaZeD” Marine ng T1, naisip ni steel na mas mainam ilagay silang dalawa sa S-tier para sa listahan ng mga initiators.
- S-tier: Crashies, DaZeD, Hiko, eeiu
- A-tier: BcJ, FNS, Skadoodle, Rawkus, and MkaeL
- B-tier: xeta
- C-tier: reltuC
- D-tier: Rebo
Sentinels
Para naman sa Sentinels, sina Alex “aproto: Protopapas ng Luminosity Gaming at Michael “dapr” Gulino lamang ang napili sa listahan ng S-tier kasama si Nicholas “nitr0” Canella, ngunit marami ang nagsasabing si dapr ang pinakamahusay na sentinel player sa NA.
- S-tier: steel, nitr0, aproto, dapr
- A-tier: hazed, koosta
- B-tier: thwifo, Genghsta, NaturE, b0i
- C-tier: curry, stellar
- D-tier: daps