Ang mga Valorant players ay laging naghahanap ng paraan kung paano makakuha ng dagdag na advantage sa game, dahil mahalagang parte ng first-person shooter ang precision. Dito makakatulong ang global invalidation.

Kung naghahanap ka ng paraan upang mapiga ang bawat patak ng frame mula sa iyong system para sa extra boost, may maitutulong ang Riot Games sa iyo. Ang bagong feature ng Valorant na tinatawag na global invalidation ay nagbibigay ng hanggang 15% na improvement sa frame rates, na kumakatawan sa nag-iisa at pinakamalaking performance boost magmula nang ilabas ang game.

Ang feature na ito ay ilang buwan nang dine-develop, mula pa noong July 2021, at sa wakas ay na-roll out na sa patch 4.03 noong February. Nitong nakaraang buwan, malaki na ang naitulong ng performance gain na ito sa malaking bahagi ng player base, ayon sa Riot.

Ano ang global invalidation sa Valorant?

Valorant Global Invalidation
Credit: Riot Games

Habang naglalaro ka ng Valorant, maraming UI elements sa iyong screen ang nagbabago, tulad ng iyong ammo counter at ability indicator. Sa madaling sabi, gumagana ang global invalidation sa pamamagitan ng pagbawas ng bilang ng mga UI elements (o tinatawag ding widgets) na kailangang mag-update sa bawat frame.

Ang bawat widget ay biunubuo ng maraming building blocks. Halimbawa, ang ammo counter ay binubuo ng iba’t-ibang elements tulad ng horizontal box, gradient, text block, size block, at ang mismong image.

Valorant Global Invalidation UI Elements
Credit: Riot Games

Sa tuwing magbabago ang isang widget, maaari itong makaapekto sa iba pang mga widgets. Halimbawa, kung lilipat ang widget papunta sa ibang posisyon sa screen, ang lahat nang widgets na nasa baba nito ay kinakailangang mag-recalculate ng kanilang posisyon. Isang magandang halimbawa nito ay ang iyong Social Panel – kapag may isang friend ka na nag-online, ang lahat nang widgets sa list ay kinakailangang mag-update.

Ang mga pagbabagong ito ay mina-manage ng isang system na tinatawag na “invalidation” sa Unreal Engine, kung saan binuo ang Valorant.

Kapag nagpaputok ka ng baril sa game, magbabago ang iyong ammo count, kung kaya’t ang counter ay kailangang “ma-invalidate” upang maghudyat na kailangan itong ma-update.

Ang layunin ng global invalidation ay ma-invalidate ang mas konting widgets na possible, sa paraang ito ay mababawasan din ang mga widgets na kailangang i-update. Mababawasan naman nito ang load sa iyong CPU, kung kaya’t makikinabang dito ang mga CPU-bound systems.

Naga-apply ito sa mga mid to high-spec machines, kung saan kabilang ang mga graphics card gaya ng NVIDIA GeForce RTX 3060 pataas.

Mababasa ang mgha detalye tungkol dito sa dev blog ng Riot.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.