Ang kalalabas lang na Prelude to Chaos skin bundle sa Valorant ay may halong dark energy na mula pa sa kadulu-duluhan ng cosmos.

May angking lakas ang dark sci-fi inspired na disenyo, isang pagkilala sa mga “edgelords who love sci-fi” wika nga ni Sean Marino, ang Associate Art Director ng Valorant.

Mukhang armas ng masasamang wizards na naglalakbay sa space ang mga skin bundle na tinatampok din ang isang two-handed swords na kayang hatiin sa dalawa ang mga kalaban.


Bagay ang Prelude to Chaos skin bundle para sa mga mahilig sa Reaver skins

Melee ng Prelude to Chaos skin bundle
Credit: Riot Games

Nagsilbing inspirasyon para sa Prelude to Chaos skin bundle ang iba pang shooter games tulad ng Quake III, Half-Life at UT99. “I’ve always had nostalgia for the industrial, heavy shapes mixed with potent and often unstable energy sources,” sabi ni principal artist Chris Stone.

Tampok sa skins ang tumitibok na energy source sa ilang weapons na halos kamukha ng isang black hole.

Kasama sa bundle ang mga skin para sa Vandal, Operator, Stinger, Shorty at melee na lahat ay may default na black-and-purple theme na may apat na level ng upgrade.

Nagdadagdag ang Level 2 ng muzzle flash effects at natatanging firing audio, ang Level 3 ay nagbibigay ng custom idle, equip, reload at inspect animations habang ang Level 4 ay may kill banner at finisher. Available din ang green at red, silver at green, at blue variants.

Naglalabas ang finisher ng tila isang gateway papunta sa impyerno sa ilalim ng kalaban, na kinakadena at literal na kinakain ng lupa.

Kapag ginamit mo ang Blade of Chaos sword, dadaloy ang enerhiya mula sa handle papunta sa dulo ng blade na para bang may hawak ka na kidlat ng purong kapangyarihan.

Credit: Riot Games

“Looking at Reaver, the audio and animations were what sold the power fantasy the most, so we invested a lot into custom animations and sounds for the reload, equip, idle, and inspect,” ani Marino.

“When you’re wielding that sword and firing the guns, you should feel like you’re on an absolute rampage.”

Walang player card sa naturang bundle pero kabilang sa koleksyon ang isang gun buddy at spray. Nagkakahalaga ito ng 8,700 VP at available ito simula ika-22 ng Hunyo.

Para sa Valorant news, guides at highlights, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.