Isang Sova master at sharpshooter virtuoso si Jonas “Average Jonas” Navarsete ng Team Liquid. Walang kapantay ang pagkagamay nya sa paggamit ng Russian initiator at talaga namang nakakabilib ang mala alamat nyang lineups.
Kamakailan ay naglabas na naman ang multi-talented streamer ng bagong patented Average Jonas Sova lineup na siguradong pipigil sa kahit anong push up tube sa kitchen ng Icebox.
Ang kagandahan pa ng lineup na ito ay hindi mo kailangang ilagay ang sarili mo sa alanganin habang binabaril ang mga kalaban. Wala silang ideya kung anong tumama sa kanila.
Average Jonas Sova lineup sa Icebox

Ito ang Recon Bolt arrow na dapat malaman ng bawat Sova player sa Icebox, ayon sa Valorant streamer sa Twitter.
Bago magsimula ang round, kakailanganin mo ng isang high-penetration weapon tulad ng Sheriff, Ares, Odin, o Operator dahil papatagusan mo ang kalaban sa wall.
Bilang defender, pupwesto ka sa mid-boiler. Siguraduhing i-check ang mid upang makita kung papasok ang mga attackers sa B-tube. Madalas binabatuhan ng smoke ng mga attackers ang lugar na ito katabi ng underpass para lituhin ang mga defenders.
Kung sa tingin mo ay nakarating na sa kalagitnaan ng kitchen ang mga attackers, i-triple bounce ang Recon Bolt sa sulok ng metal wall malapit sa entryway ng B-tube. Ang Average Jonas Sova lineup na ito ay magdadala sa Recon Bolt papasok sa mid-kitchen upang ma-scan ang mga kalaban doon.
Pag na-tag na ang attacker, patagusan lamang sila ng bala gamit ang iyong high-penetration weapon upang linisin ang mid-kitchen. Kung nag-aalala ka na baka ka mabaril sa mid, dumikit ka lang ng husto sa wall upang hindi ka masilip ng mga kalaban sa mid.
Ang dahilan kung bakit itinuturing itong isa sa mga pinakamagandang Average Jonas Sova lineup sa Icebox ay dahil hindi mo kailangang pumwesto sa isang lugar na maglalagay ng iyong team sa peligro.
Mabilis at madali itong gawin, hindi rin ito nangangailangan ng pixel-perfect na tutok para magawa ng maayos, na palatandaan ng isang magandang lineup.
Para sa iba pang guides sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.