Isipin mo ‘to: nakahanap ka ng isang magandang Valorant highlight clip at nang magpunta ka sa comments section, may nakitaq kang nag-comment ng “Sheesh!” Ano nga ba ang sheesh, at bakit ang lahat ay nagsasabi nito?
Kahulugan ng sheesh

Ang “sheesh” ay isang ekspresyon ng paghanga, pagkasabik, o pagkagulat. Sa gaming, ginagamit ito ng mga players para ipakita ang kanilang lubos na pagpuri sa mga magagandang plays.
Pinagmulan ng sheesh

Ang “sheesh” ay unang ginamit noong 1955, humigit-kumulang 66 na taon na ang nakalipas, ayos sa Merriam-Webster dictionary.
Sa 2010s, ang ekspresyon ay pinasikat ng basketball superstar na si LeBron James.
Sa taong 2020, nag-post ang Tiktok user na si @earlthechicken ng video ng kanilang sneaker meet up kasama ang kanyang mga kaibigan. Sa bawat ipapakitang pares ng sneakers, maririnig ang sheesh reactions ni @earlthechicken.
Napulot ng ilang mga gamers ang expression, at naging viral ito sa mga players kung kaya maraming myembro ng community ang nagsasabi nito mula pa noong nakaraang taon.
Sheesh sa Valorant gaming

Si Jay “Sinatraa” Won na siguro ang pinakasikat na esports player na nagsabi nito.
Hindi lang sa magagandang plays ginagamit ng Valorant player ang ekspresyon na ito kundi pati na rin sa mga palpak na nangyayari sa game. Minsan, sinasabi nya rin ito kahit wala lang, bakit nga naman hindi?
Isa pang player at streamer na si Michael “Shroud” Grzesiek ang nakitang may hawak na sign na may nakasulat na ‘sheesh’, ayon sa post ng kanyang girlfriend na si Hannah “Bnans” Kenney.

Nakisali na rin sa bandwagon ang Twitch streamer ng Offline TV na si Leslie “Fuslie” Fu matapos nyang makapatay ng isang Killjoy player sa kanyang Valorant stream.
Ito ang nagbigay daan para sa paggawa ng “Sheesh Song”, na in-arrange ng YouTube content creator at musician na si elevate gamit ang sariling version ni Fuslie ng tending na expression.
Ngayong alam mo na ang pinagmulan ng expression at kung paano ito gamitin, hand aka na para mag-sheesh sa mga Valorant rank games!