Maaaring nasa Brazil ang lupa kung saan isinisilang ang mga FPS gods.

Ang score ay 12-5 sa Haven kung saan lamang ang LOUD, at nangangailangan na lang ang team ng isa pang round upang tuluyan nang iligpit ang OpTic Gaming. At hindi sila natinag.

Matapos ang mapangwasak na double entry kills mula kay Bryan “pANcada” Luna, kasama na ang isa kung saan bulag siya mula sa flash, hinatulan ng LOUD ang OpTic upang tuluyan nang kunin ang final round nang walang mintis.

Tinalo ng LOUD ang pinakamalaki nilang kalaban – isang team na hinarap nila nang anim na beses sa loob ng taong ito kung saan natalo sila sa kalahati ng bilang ng kanilang pagtatagpo – at inilagay ang Brazil sa pandaigdigang mapa ng Valorant.

Sa kanilang pagkakapanalosa Valorant Champions 2022, ang Brazil ang kaisa-isang bansa na nanalo ng mga pinakamalaking titulo sa lahat nang tatlong major tactical shooters: Valorang, CS:GO, at Rainbow Six Siege.

Sa Brazil nagmumula ang mga FPS legends

CS:GO SK Gaming Cologne Brazil championship
Credit: ESL

Pumasok sila bilang mga ultimate underdogs sa CS:GO scene na pinaghaharian ng Europe, inakay ni Gabriel “FalleN” Toledo ang kanyang team upang magwagi ng dalawang back-to-back Major wins sa MLG Major Championship Columbuis at EESL One Cologne noong 2016.

Ang kanyang roster sa Luminosityu at SK Gaming ay minarkahan bilang isa sa mga rurok ng Brzilian Counter-Strike – na nagpakitang kaya ng Brazil na makipoagsabayan sa mga pinakamahuhusay na teams sa Europe at North America.

Maaalala rin siguro ng mga fans ang paghahari ni Marcelo “coldzera” David, isang superstar fragger na tinulungan ni FalleN paakyat sa tuktok ng CS:GO. Kinikilala siya bilang isa sa mga best players of all time, kung saan nanguna siya sa HLTV rankings noong 2016 at 2017.

At hindi limitado ng entablado ang mga contributions ni FalleN. Magiliw na tinaguriang godfather of Counter-Strike sa Brazil, ibinuhos din niya ang kanyang oras upang mapalaki ang eksena ng esports sa Brazil.

Ang LOUD coach na si Matheus “bzkA” Tarasconi ay nagbigay-pugay kay FalleN sa isang post-match press conference matapos ang kanilang pagkapanalo. “We take guidance from the teachings of FalleN,” sabi niya. “The way that he works inspires our work philosophy as well.”

R6 NiP Invitational 2021
Credit: Ubisoft

Ang pagdodomina ng bansa ay naging mas malinaw sa R6 nitong nakaraang taon. Ang top three teams sa 2021 Six Invitational ay puro Brazilian. At sa unang pagkakataon noong May 2021, nagkaroon ng Brazilian R6 Invitational champion.

Tinalo ng Ninjas in Pyjamas ang Team Liquid, natabunan nito ang kanilang second-place finish noong nakaraang taon upang tuluyang gawing ganap ang kanilang panalo.

Hindi rin nalalayo na makapasok ang North America sa pambihirang hanay na ito. Meron na silang mga titulo sa R6 at CS:GO, ang kulang na lang sa rehiyon ay ang world championship sa Valorant. AT bagama’t natapos sila sa ikalawang pwesto sa pagkakataong ito, hindi maitatanggi na ang OpTic ang pinakamahusay at consistent na team sa taong ito na may top-three finishes sa lahat nang international LAN events.

Sa panig naman ng LOUD, ang kanilang makasaysayang pagkapanalo ang unang beses kung saan itinaas ang international trophy ng hinddi nagmula sa North America o Europe.

Sa paglipat ng Valorant papunta sa bago nitong partnership model sa 2023, magkakaroon ang Brazil ng pagkakataon na lumaban sa kanilang mga katunggali sa hilaga sa regular season ng bagong Americas league.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.