Patuloy ang pamamayagpag ng Bren Esports sa Valorant esports scene matapos nilang talunin ang BOOM Esports ng Indonesia sa score na 2-1 at tanghaling mga kampeon ng VALO2ASIA Launch Invitational 2021 noong Linggo, June 28.

Madaling nakuha ng Bren Esports ang unang map na Icebox sa 13-6 na panalo. Pero bumawi sa ikalawang game ang BOOM at gumanti ng 13-6 na score sa Bind, at tumuloy ang series sa game three.

Ang ikatlo at huling game ay nangyari sa Ascent. Nahirapang humataw ang Bren sa mga unang rounds, pero nagbago ito nang makakuha ng Odin si Jayvee “DubsteP” Paguirigan para gisingin ang dugo ng Bren. Apat na sunod-sunod na rounds ang kinuha ng black and yellow squad para isara ang first half sa score na 6-6. Bagamat nasa Bren ang momentum, maganda ang naging simula ng BOOM sa ikalawang pistol round. Pero nang maka-full buy na ang Bren, nagdere-derecho na ang arangkada ng Pinoy squad upang isara ang series sa score na 13-9 at kunin ang korona ng VALO2ASIA Launch Invitational 2021.

Valorant VALO2ASIA DubsteP MVP
Valorant_VALO2ASIA_BrenEsports

Si DubsteP ang tinanghal na MVP ng finals dahil sa kanyang Average Combat Score na 264 para sa tatlong mapa.

Nag-uwi ang Bren Esports ng US$2,000, habang ang BOOM Esports naman ay nakatanggap ng US$1,000.