Magpapatuloy ang kampanya ng Bren Esports sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs matapos nitong pangibabawan ang group stage ng turneo at maka-qualify sa playoffs.

Nanguna ang pambato ng Pilipinas sa Group A ng nagdaang tournament phase. Tinapos nila ang single-round robin kontra CBT Gaming ng Taiwan, Sharper Esports ng Thailand, at EGO ng Vietnam nang hindi nagtatamo kahit isang talo. 

Sa 16 na Valorant teams na lumaro sa naturang turneo, tanging ang mga Pinoy lang ang nakapagtala ng siyam na puntos mula sa scoring system format ng group stage matapos walisin ang lahat ng kanilang serye.

Bren Esports haharapin ang CERBERUS Esports sa playoffs ng VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs

Bren Esports vs Cerberus Esports sa playoffs ng VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs

CERBERUS Esports ang kakaharapin ng Bren Esports sa upper bracket quarterfinals. Nakapasok ang kanilang kalaban sa playoffs matapos pumangalawa sa Group D nang may tatlong puntos mula sa mga tinabla nilang serye.

Ito ang unang beses na magtatapat ang mga Pinoy at kinatawan ng Vietnam. Bagamat kalahok ang parehong koponan noong VCT 2021: Southeast Asia Stage 2 Challengers Finals, hindi sila nagtagpo sa double-elimination bracket nito.

Bren Esports sa VCT Stage 3 Challengers Playoffs
Credit: ONE Esports

Kung harapang stats ng paguusapan sa pagitan ng mga duelist sa parehong koponan, liyamado ang Bren Esports. Nakapagtala kasi si Jayvee “DubsteP” Paguirigan ng 121 kills at 1.5 KDA noong group stage, habang 109 kills at 1.3 naman ang kay Nguyễn “Daicute” Anh Minh Thông.

Gaganapin ang bakbakan ng Bren Esports at CERBERUS Esports sa ika-19 ng Agosto, sa ganap na ikalawa ng hapon.


Samantala, bigo naman makapasok ang dalawa pang kinatawan ng Pilipinas na Galaxy Racer at Oasis Gaming sa playoffs. Tinapos ng parehong koponan ang kanilang kampanya sa group stage sa huling puwesto nang may dalawang puntos.

Credit: Galaxy Racer SEA

Bigong maka-score ang grupo ni Ronard “Yohann” Tecson kontra Team Big BAAM ng Vietnam na nangibabaw sa Group C. Ganun din ang sinapit ng koponan ni Markyyy sa mula sa kamay ng Group D top seed na Alter Ego.

Sa kabila nito mag-uuwi pa rin ang parehong Pinoy teams ng tig-USD$2,000 na papremyo at tig-10 VCT Circuit Points.


Maaaring subaybayan ang mga huling araw ng VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs sa mga sumusunod na channels: