Ang Valorant competitive changes na bahagi ng malaking Episode 3 Act 1 patch ay nangakong pagagandahin ang inyong rank experience.
Sa isang livestream discussion tungkol sa mga pagbabagong magaganap sa Episode 3: Reflection, inihayag ng Competitive Team Designer na si Jon EvrMoar” Walker na ang rank system ng game ay ginawa para i-track ang total number of games played ng bawat tao sa unang taon ng Valorant.
Nakakatulong ang mga stats na ito para mai-adjust ng Riot Games ang matchmaking rankings (MMR) ng bawat player, na tumutulong din sa game developer na i-assign nang mabilis ang mga players sa katapat nilang ranks.
“Now we’ve been on for a year and we have all those players so we don’t need [the system] anymore,” said Walker.
“The early system was potentially causing match fairness issues. We found out by reworking the system and turning it off, we could increase matchmaking accuracy by 50%.”
Ang Valorant competitive changes ay magbibigay ng mas magandang rank experience sa mga players

Naniniwala ang Riot Games na pinakaimportante ang manalo sa game, sa lahat ng skill level. Nais nilang mas mapaganda ang individual performance evaluation dahil sa tining nila ay nakakatulong itong makapagbigay ng mga patas at balanseng matches.
Nangangahulugan din ito na dahil sa Valorant competitive changes ay magkakaroon ng maliit na epekto sa rank rating ang mga close matches, manalo man o matalo.
Ayaw ng mga developers na maramdaman ng mga players na napag-iiwanan na sila dahil sa kanilang mga lumang accounts. “If your skill improves, your rank should properly reflect that regardless of account age,” ayon sa Valorant Patch Notes 3.0 post.
Nais din nilang mabawasan ang bilang ng mga players na gumagamit ng iba’t ibang accounts sa pamamagitan ng pagbigay ng nararapat na ranks sa mga players sa bagong patch.