Simula noong nakapasok sila sa VCT NA Stage 1 Challengers bilang mga virtual unknowns, napakaganda na ng pag-angat nila sa tuktok ng North American Valorant.
Habang ang totoong pagsubok ay darating pa sa Masters Reykjavik 2022, mukhang nakahanda na silang magwagi, lalo na kung pagpapatuloy nila ang kanilang solid team play at ang kanilang mga kakayahan mag-adapt.
Ito ay isang team ng mga dark horse na puro talento, ngunit nangibabaw pa din ang 17-year-old wunderkid na si Trent “trent” Cairns. Si Trent ang mising piece para sa TGRD – matapos siyang sumali sa organisasyon noong January.
Patuloy na ang paggaling ng TGRD simula noon. Sa Stage 1 Challengers playoffs, tinalo nila ang mga powerhouse tulad ng Sentinels, Cloud9, at OpTic Gaming para makuha ang top seed sa North America.
Ngunit hindi pa matagal ang lumipas noong nahirapan pang mapansin si trent ng mga teams sa VCT.
Isang pagtingin sa VCT
Warning: Mga hindi kaaya-ayang lenggwahe

Noong simula ng 2021, kinontact ni trent ang iilang players, coaches at mga organisasyon para sa tryouts.
Nag-reach out siya sa mga players tulad nina Anthony “Vanity” Malaspina ng Cloud9 at kay Chad “Oderus” Miller ng New York Fury at humingi ng oportunidad mapatunayan ang kaniyang sarili. Ngunit iilan lang ang naging willing bigyan ang player na to ng isang pagkakataon.
Sinabihan ni TSM FTX Academy head coach na si Theodor “in0x” Bjornsson si trent na kukuha sila ng mga taong “kakilala na” nila, isang senyales kung gaano kalayo si trent sa pro scene.
Ngunit si trent, na gumagamit pa ng pangalan na “Habib,” ay makakatanggap ng isang di inaasahang oportunidad sa isang team na sinusubukan rin pasukin ang Tier 1 space.
Sa isang scrim laban ang TGRD na bumubuo pa lamang ng isang roster para sa Valorant, napansin siya ng team coach na si Matthew “mCe” Elmore.
“Trent played Viper on Bind, which is our best map, and dropped 35 kills against us,” sabi ni mCe. Naglaro siya sa mga lurk timings at ginawa ang mga lahat ng dapat niyang gawin, ayon kay mCe. Matapos ang match, biniro ni TGRD coach na mag-tryout na si trent.
Pagkatapos niyan ay naghahanap na ng isang Sova player ang team matapos I-bench si Harrison “psalm” Chang. Na-realize ni mCe matapos tignan ang statistics ni trent na isa siyang dating Sova main. “His Sova stats weren’t bad at all,” sinabi ng coach.
Ngunit noong na-bring up ang posibildad na makipag-ensayo kasama si trent, hindi natuwa ang mga members ng The Guard. Ngunit sa panahong ito, kumbinsado na ang mCe na si trent ang player na kailangan nila at pinush nila na bigyan ng pagkakataon ang batang player.
Pumirma na ng kontrata si trent kasama ang TGRD noong January 17, at doon na nagumpisa ang lahat. Nilampaso nila ang VCT NA Stage 1 open qualifiers at tinalo ang mga rosters na mas matagal pang nabuo kaysa sa kanila tulad ng Luminosity Gaming, Knights, at Akrew.
Matapos ang mahusay na performance ni trent, madaling sabihin na hindi nagsisi ang team sa kaniya.
Sa katunayan, ang mga teams na pinalagpas siya ang nagsisisi ngayon.
Hinigitan pa ni Trent ang pinakamahusay na player sa North America sa kaniyang kauna-unahang VCT event kasama ang The Guard

Nag-wa-warm up pa lang pala si trent sa open qualifiers. Nakamit niya ang isang bagong lebel ng laro sa VCT NA Stage 1 Challengers group stage, kung saan naka-score siya ng pangatlo sa pinakamataas na Average Combat Score (ACS) na 240.8, sa likod lamang ng mga top duelist ng rehiyon tulad nina Nathan “lead” Orf ng Cloud9 at Erick “penny” Penny ng Version1.
Habang napapansin na siya ng North America, dinurog ng The Guard ang 100 Thieves sa Week 2 sa isang statement 13-0 victory sa Ascent.
Bagamat hindi pa naka-isang taon sa pagiging iasng competitive player, patuloy na tinatalo ni trent ang mga mas may experience na players, at nagbigay siya ng mga malalaking numero laban ang mga best players ng rehiyon.
Habang lumalaki ang mga nakataya sa playoffs, hinarap ng TGRD ang bawat pagsubok na dumaan sa kanila. Hindi nila hinayaang masakop sila ng pressure at pinatumba nila ang Sentinels sa upper bracket quarterfinals. Ito ang unang panalo ng team sa Tier 1 competition at hindi rin gitgitan ang laban – sinara ng TGRD ang serye 2-0, at nakahanap pa ng isang statement 13-1 victory sa Icebox.
Hindi pa tumigil ang TGRD kahit na natalo sila sa OpTic Gaming at napunta sa lower bracket. Winalis ng TGRD ang Cloud 9, 3-0 sa lower bracket final para makapaghiganti sa talo nila sa group stage.
Sa group final laban ang OpTic, nagkaroon na naman ng isa pang oportunidad para maghiganti ang TGRD. Kinuha nila ang serye 3-2, isang angkop na wakas sa isang hindi inaasahang tournament run laban ang mga best teams ng North America. Nilabanan ng team ng rookies ang lahat ng mga expectations para makuha ang North American top seed sa Masters Reykjavic 2022, at si trent ang nasa gitna ng lahat ng ito.
Ito ay isang player na nakatanggap lamang ng kaniyang unang PC bilang Christmas gift noong 2019. Fast-forward dalawang taon, siya at ang kaniyang team ang bagong pag-asa ng North American region.
Isang mabangis na kombinasyon ng pagiging agresibo at mautak ang 17-year-old na ito gamit si Sova. Ngayon ay magiiwan na siya ng kaniyang marka sa world stage sa Iceland.
Maari mong sundan ang lahat ng Masters Reykjavik 2022 matches sa opsiyal na Valorant Twitch at YouTube channels. Para malaman ang match schedule, pumunta dito.