Inanunsyo ng beteranong caster na si Daniel “ddk” Kapadia na iiwanan na niya ang casting desk matapos ang siyam na taon. Isa siya sa mga nag-cast ng pinakamalaking CS:GO at Valorant tournaments. 

Ang kasalukuyang VCT Stage 1 playoffs at Game Changers tournaments ay ang kaniyang mga huling events, sinabi ng British caster sa Twitter. 

Sumunod ito matapos sinabi ng kapwa caster na si Sean Gares na iiwanan na niya rin ang broadcast scene. Ang casting duo nina Sean at ddk ang isa sa pinakasikat sa Riot Games shooter, at tiyak na hahanap-hanapin ito sa mga broadcasts. 

Nalaman ni ddk na hindi siya magiging parte ng Masters Reykjavík 

Valorant DDK tweet
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Tulad ni Sean, naudyok ang desisyon ni ddk matapos siyang hindi isinali sa roster ng mga on-air talent para sa Stage 1 Masters Reykjavík

“Learning that I wouldn’t be a part of the first VCT LAN this year was a big factor and something I’ve known for a while,” sulat ng 33-year-old sa Twitter. “After months of talks, Riot and I were unable to reach an agreement to allow both parties to work together in partnership.” 

Katulad ito sa mga ibinahagi ni Sean sa kaniyang usapan sa Riot, kung saan nagaksaya siya ng oras sa telepono para makabuo ng kasunduan para makasali sa Stage 1 Masters. 

Unang sumikat ang caster na ‘to sa CS:GO kung saan naging commentator siya sa Majors, tulad ng PGL Major Stockholm 2021. Nagumpisa noong 2020, dinala niya ang kaniyang talento sa tactical FPS ng Riot at nag-cast sa mga events tulad ng Stage 2 Masters Reykjavík at Champions 2021

Valorant VCT ddk
Credit: Riot Games

Inilawaran ni ddk ang kaniyang desisyon bilang “heartbreaking,” ngunit niyaya niya ang mga fans na wag magalit sa Riot dahil gusto niyang umalis nang maayos. 

Ngunit may tsiyansa pa rin na makita siya sa esports industry. “I hope you will be stoked for my next steps and continue to support my esports endeavors,” dagdag niya. 

Sinuportahan ng mga fans, players, at kapwa casters ang kaniyang anunsyo, patunay na malaki ang kaniyang ambag sa esports community. 

Ngutni bukas pa rin ang pintuan para sa kaniyang pagbabalik. “We don’t retire, we just take breaks,” sulat niya.