Sinong mag-aakala na ang Domain Expansion mula sa sikat na anime na Jujutsu Kaisen ay magagamit din pala sa first-person shooter title ng Riot Games na Valorant?
Dahil under development pa rin ang opisyal na mobile game ng nasabing palabas na “Phantom Parade”, marahil pagkakataon na ito ng anime fans na mag-a la Jujutsu Sorcerer sa Valorant bilang Viper.
Ang Domain Expansion sa Jujutsu Kaisen

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports
Sa fictional world ng manga artist na si Gege Akutami, ang Domain Expansion ay isang finishing move na kadalasang ginagamit ng mga Jujutsu Sorcerers kontra sa mga high-grade curses.
Gaya kung pano gamitin sa Bleach ang reiatsu (o spiritual force) para magpalakas ng moves sa laban, minamanipula din ng mga karakter sa Jujustsu Kaisen ang cursed energy.
Literal na pagpapalawak ng isang domain ang Domain Expansion at maraming cursed energy ang kailangan para ito magawa. Tina-trap nito ang gumagamit at ang kalaban sa isang spherical barrier na unique sa kada cursed technique.
Sa loob nito, lamang ang gumagamit dahil sure na tatama ang lahat ng atakeng ibabato nila sa kalaban.
A la Domain Expansion ang Viper’s Pit sa Valorant
Sa Valorant, ang controller agent na si Viper ay may ultimate na kung tawagin ay Viper’s Pit. Sa pag-cast nito, babalutin niya ang malaking area ng mapa gamit ang makapal at nakalalasong usok.
Gaya ng Domain Expansion, may tactical advantage si Viper kapag nasa loob ng kanyang smoke screen. Limitado ang vision ng lahat ng kalabang papasok dito, at mababawasan din ang kanilang buhay kung magtatagal sila sa loob.

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports
Para naman kay Viper, mas kita niya ang mga kalabang papasok sa loob nito dahil naka-outline ang mga ito ng red. Dahil dito, one hit lang ang kailangan ni Viper kapag nakatayo sa loob ng kanyang ulti.
Sa upper bracket semifinals ng VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs, nagharap ang Sentinels kontra Team Envy. Habang naglalaro ng defense sa Icebox, ginamit ni Jimmy “Marved” Nguyen ng Envy ang Viper’s Pit, na tinawag na “Domain Expansion” ng caster na si Gustavo “Upmind” Franco Domingues.
Na-gets ng Valorant fans sa Twitch chat ang reference, at agad na nag-spam ng “DOMAIN EXPANSION” at “Ryokai Tenkai”, na Japanese translation ng nasabing kataga, upang ipabatid ang kanilang kasiyahan.
Para sa karagdagang update tungkol sa Phantom Parade, maaaring bisitahin ang opisyal na Jujutsu Kaisen game website dito.
Mapapanood din ang sikat na anime sa Netflix.