Ang bagong balance update sa isa sa pinakakontrobersyal na mapa sa Valorant ay narito na.

Ang Fracture ay nakatanggap ng maraming pagbabago sa Valorant patch 5.07. Ang mga adjustments na ito ay babago sa kung paano lumaban ang mga players sa magkabilang panig ng map, kung kaya’t mapipilitan ang mga attackers at defenders na baguhin ang kanilang diskarte.

Mas pinapadali rin nito ang ilang mga areas, kung saan tinanggal ang mga alanganing anggulo na sana ay makatulong na maging mas intuitive ang bawat engagement.

Bago ka pumasok sa susunod mong game sa Fracture, narito ang lahat nang pagbabagong ginawa sa map.


Lahat nang pagbabago sa Fracture sa Valorant patch 5.07

B Arcade

Dati, ang mga attackers ay maaaring maipit ng mga defenders na nagpu-push mula sa A Dish at B Arcade, kung kaya’t maaaring magbigay ng malaking pressure ang defending team sa simula pa lang ng round.

Upang matulungan ang mga attackers na kayanin ang agresibong galaw na ito, isang maliit na cubby ang inilagay sa Arcade upang magdagdag ng angle na kinakailangang i-clear ng defenders. Kasabay nito, nagkaroon din ng rework sa Dish.

B Site

Ang pwesto na tinatalunan ng mga players upang makarating sa B site platform ay binago at ginawa nang ramp para mas maging rekta ang paggalaw dito.

B Generator

Ang puwang sa pagitan ng B Generator at ng pader sa tapat nito ay mas pinasikip upang mas mapadali ang pag-smoke sa pwestong ito. Inalis din ang isang maliit na kanto upang mas mapasimple ang pag-clear sa site.

Defender Spawn

Ang maliit na cubby area sa Defender Spawn ay tinaggal upang mas mapadali ang B sitte retake. Bago mangyari ang pagbabagong ito, ang mga defenders na nagro-rotate at dumadaan sa spawn ay kinakailangang mag-ingat sa lurker na nasa cubby, bukod pa ito sa mga attackers na maaaring naka-hold mula sa Ropes.

Binabawasan nito ang mga anggulo na kailangan nilang i-clear, kaya ang mga engagements sa lugar na ito ay m,agiging mas balance.

A Halls

Ang lugar sa A Halls kung nasaan ang ultimate orb ay mas pinalawak, salama sa isa pang kanto na tinaggal din. Sa kabuuan, mas pinasimple nito ang lugar, at mas pinaganda ang paggalaw sa area.

A Site

Ang box sa iaklawang palapag ng A site ay inilipat sa sulok. Mas pinapadali nito ang pag-clear ng itaas ng site mula sa stairs, dahil hindi na kinakailangan ng mga attackers na i-expose ang kanilang mga sarili sa A Link upang i-check ang likod ng box.

A Dish

May isa na lamang daan patagos nang A Dish, kung kaya’t mas madaling dumaan dito mula sa magkabilang dulo. Ayon sa community lead na si Jeff Landa, ang pag-control sa dalawang daan nang sabay ay mahirap at hindi naman kailangan.

“The team hopes the changes here and on A Drop will encourage everyone to use this route more often,” sabi ni Landa.

Gayunpaman, ang bagong layout ay tila pabor nang kaunti sa defenders, lalo na sa mga agents tulad ni Chamber.

A Drop

Hindi na ganun kapanganib lumabas ng A Drop. May bagong pocket na pwedeng maging cover ng mga attackers na babagsak, kung kaya’t hindi na sila exposed sa mga defenders na naka-hold sa A site at A Link.

Gayunpaman, kinakailangan pa rin nilang mag-ingat sa mga mollies at grenades na pipilit sa kanilang magpalabas.

A Rope

Ang A Rope ay naging masyadongg madali para sa mga attackers para i-control gamit lang ang isang smoke. Sa dinagdag na ledge o rafter area, maaari nang sumilip ang defenders sa A site kahit may smoke ang Rope, kung kaya’t may option ang defenders para sa kanilang initial hold at retake ng A.

Ang bagong Fracture ay mas balance kaysa dati. Sa kabila ng maraming pathways sa magkabilang sites, ang ilang mga daan ay hindi na magiging ganun kapopular, tulad ng A Dish at B Arcade. Sa mga pagbabagong ito ay magkakaron na ang mga attackers ng dahilan na gamitin ang lahat nang ito, habang ang mga defenders naman ay hinihikayat na aktibong i-contest ang neutral space sa map upang maiwasan ang pagkaipit.

Tignan ang kumpletong listahan ng mga pagbabago sa Fracture at iba pang updates sa Valorant patch 5.07 dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.