Nandito na ang Episode 3 Act 1 ng Valorant!
Ang simula ng bagong Act sa Valorant ay nangangahulugan ng bagong Battle Pass para sa lahat ng fans. Ang tanong – sulit ba ang Episode 3 Act 1 Battle Pass sa 1,000 Valorant Points (VP)?
Buti na lang at nailista na namin lahat ng pwede mong makuha, mula sa weapons hanggang sa sprays.
Napagdesisiyunan ng Riot Games na tawagin ang bagong Episode na “Reflection”, na saktong-sakto sa tema ng trailer na inilabas kailan lang sa VCT Stage 2 Masters.
Narito ang mga maaring makuha sa Episode 3 Act 1 Battle Pass:
Ang mga Episode 3 Act 1 Battle Pass skins na dapat mong idagdag sa iyong loadout
Ang pinaka-exciting na feature ng kahit anong battle pass ay ang weapon skin. Ang Episode 3 Act 1 Battle Pass ay mayroong tatlong bagong sets – K/TAC, Jigsaw, at Monarch skins.
K/TAC

Sumusunod ang K/TAC weapon skin sa military design mula sa Kingdom Corporation na madalas nating naririnig sa mga trailers at nakikita sa mapa.
Bagay din ang design nito kay KAY/O, na inilalarawan bilang “a machine of war built for a single purpose: neutralizing radiants,” ayon sa kanyang in-game description.
Ang centerpiece ng set na ito ay ang melee skin, isang manipis na blade na may parehong animation tulad ng sword at axe design. Ang K/TAC ay meron ding Sheriff, Bulldog, Vandal, at Operatot skins.
Jigsaw
Kung ikaw ay fan ng GO VOLUME 1 anime-themed bundle na inilabas ng Riot Games, magugustuhan mo ang Jigsaw collection.
Pwede mong i-mix and match ang iyong paboritong agent sa kanilang weapon of choice. Ang Jigsaw set ay may skins para sa Ghost, Judge, Guardian, at Ares. Meron din itong Astra, Killjoy, Skye, at Yoru designs.
Monarch

Ang Monarch set ay may clean-cut deisgn na bumabagay sa mga white-themed weapon skins. Ang Monrach set ay may Frenzy, Shorty, Bucky, and Marshal weapon skins.
Brimstone, Sage, at Killjoy mains magbunyi! Ang mga gun buddies na ito ay para sa inyo

Ang Episode 3 Battle Pass ay may mga nakakatuwang buddies na tiyak na mae-enjoy ng mga fans. Magugustuhan ng mga Brimstone mains ang “Rubber Ducky” buddy. Mayrron ding “Caught,” “Salmon Nigiri, at “One Direction” gun buddies na magpapaganda ng iyong collection.

Nag-step up din sa spray game ang Riot Games. Mas mae-express na ng mga Battle Sage players ang kanilang sarili sa “Too Heavy” spray. Ang mga Killjoy mains ay binigyan din ng kakaibang “Killjoy! I Choose You” spray sa Episode 3 Battle Pass.
Ang pinaka interesanteng spray sa set ay ang “Clutch or Kick” spray, dahil wala namang paraan ang mga agents para sumipa sa Valorant.
Mga bagong Episode 3 Act 1 Battle Pass playercards para sa iyong koleksyon

Ang Episode 3 Battle Pass ay may mga bagong player cards na maidadagdag mo sa iyong koleksyon. Magiging pamilyar sa mga fans ng nakaraang Duality trailer ang “Dropoff” player card, kung saan makikita si Phoenix at Viper na papasok sa Bind.
Ang pinaka-cool na player card ng Episode 3 Battle Pass set ay ang “Testing Grounds,” na isang reference sa Public Test Environment ng Riot Games kung saan sinusubukan ng mga testers ang mga early access builds at upcoming patches.
Ang Episode 3 Act 1 Battle Pass ay naging available noong June 23 matapos ang patch. Gumamit ng 1,000 Valorant Points para ma-unlock ito.