Ang Episode 3 Act 3 Battle Pass ang huling Battle Pass (BP) para sa 2021, at ito ang dahilan kung bakit bibigyan ng Riot Games ang mga fans ng mga maalala mong Valorant designs para sa koleskyon mo.

Tulad ng dating passes, ang presyo nito ay 1,000 Valorant Points (VP). 

Kung nagdadalawang-isip ka kung gagastusin mo ang pinaghirapan mong VP, nilista namin ang top 5 collectibles para sa amin. Kung naghahanap ka man ng bagong playercard, spray, or weapon skin, nandito na lahat iyon sa Episode 3 Act 3 Battle Pass.

Mga notable collectibles sa Episode 3 Act 3 Battle Pass

5. Sad Yoru spray 

Valorant Episode 3 Act 3 Battle Pass
Credit: Riot Games

Why so blue, Yoru? 

Laging sinasama ang mgaa sikat na memes sa mga Battle Passes, at masaya kami na hindi tumigil ang trend na ito.

Kasama sa mga spray ay ang take ng Valorant creative team sa Keanu Reeves meme sa anyo ng Sad Yoru. Dahil delayed ang paparating na Valorant patch na dapat aayos sa agent abilities ni Yoru, maiintindihan mo kung bakit malungkot ang Japanese duelist na ito.

Valorant Episode 3 Act 3 Battle Pass
Lahat ng Episode 3 Act 3 Battle Pass sprays
Credit: Riot Games

4. Magic Mance buddy

Credit: Riot Games

Tapos na nga ang Halloween, ngunit hindi ibig sabihin nito wala na ang espiritu ng Halloween!

Maalala ng mga fans si Mance sa mga dating Battle Passes. Ang mga cat fans na mahilig gumamit ng kaniyang mga collectibles ay maaring idagdag ito sa kanilang koleksyon.

Lahat ng Episode 3 Act 3 Battle Pass buddies
Credit: Riot Games

3. Living the Nightmare playercard 

Credit: Riot Games

Isa pang collectible na perpekto para sa Halloween ay ang Living the Nightmare playercard na pinapakita si Omen at Sage. 

Habang mukhang nahihiya si Omen, sigurado kaming gustong makita ng mga fans ang mga Valorant agents na may ibang suot para sa mga espesyal na okasyon.

Lahat ng Episode 3 Act 3 Battle Pass playercards
Credit: Riot Games

2. Classic Goldwing weapon skin 

Credit: Riot Games

Marami nang Valorant Battle Pass ang nagpakita ng Classic pistol designs na hindi pumatok, ngunit hindi na ito mangyayari para sa Goldwing weapon skin.

Sa katunayan, nagmumukhang mamahalin ang libreng baril na ito dahil sa kaniyang gold trim at detalyadong decal finish. Perpekto ang Classic Goldwing para sa mga jumping right-clicks mo laban sa kalaban.

1. Genesis knife melee 

Credit: Riot Games

Ayon sa Valorant Senior Producer na si Preeti Khanolkar, “The Genesis Arc is the first melee of that type (lovingly called “the protractor”) to be included in the Battle Pass.”

May kaparehas na design ito sa left at right click animation ng Oni Claw at Ion Energy Sword. 

Ang buong Genesis collection ay mukhang mga weapons na ginamit ni Chitauri sa pagsalakay ng New York City sa unang The Avengers movie ng Marvel. Kung ikaw ay isang malaking MCU fan, maganda itong idagdag sa iyong Valorant knife collection.

Magtatagal ang Valorant Episode 3 Act 3 Battle sa loob ng 10 na linggo, simula November 2, 2021 hanggang January 11, 2022.