Maraming tricks na nakatago ang Valorant weapons specialist na si Chamber, at pwede mo pang idagdag ang isang ito sa kanyang arsenal. Napag-alaman na pwedeng mapeke ang natatanging tunog ng kanyang teleport, kaya’t pwede mong gulatin ang iyong mga kalaban kung matiyempuhan nang tama.

Ang fake teleport na ito ay simple lang gawin at gumana na rin sa dating CS:GO Major champion at top-ranked Radiant player sa North America na si Tarik “Tarik” Celik.

Sa isang 1v1 sa Chamber ng kalaban sa A site ng Split, alam ni Tarik na nasa malapit lang si Chamber. Narinig nya ang tunog ng pag-activate ng Rendezvous, kung kaya’t inisip nyang nagpalit ng posisyon ang kalaban papalayo sa kanya. Subalit ang kalabang Chamber ay hindi umalis sa pwesto at nagawa nyang surpresahin si Tarik at ma-clutch ang round.

Paano gawin ang fake teleport play gamit ang Rendezvous ability

Valorant Chamber Fake Teleport
Credit: Riot Games

Una, ipwesto ang dalawang Rendezvous anchor points sa mapa. Walang kaso kung saan mo ito ilalagay – basta siguraduhin lamang na nasa tagong lugar ang mga ito dahil magiging vulnerable ka sa kalaban pag nag-push sila.

Para gawin ang play, pindutin nang sabay ang ”E” (para ma-activate) at “F” (para i-recall ang Rendezvous). Mati-trigger nito ang teleport sound cue ni Chamber nang hindi ito naa-activate, kung kaya’t mananatili ka sa iyong posisyon. Iisipin ng mga kalaban na makakarinig nito na lumipat ka papunta sa isa pang anchor point.

Epektibo itong gamitin kung nakita na ng kalaban, na nangangahulugang hindi na nila iki-clear ang pwesto mop ag narinig ka nilang mag-teleport palayo.

Maganda rin itong gamitin sa teleporter sa Hookah sa Bind. Magpunta sa teleporter ng mapa at gawin ang fake Rendezvous play.

Maririnig ng mga kalaban ang pagpasok mo sa teleporter at pati na rin ang tunog ng iyong pag-alis. Iisipin nilang walang tao sa teleporter, na maglalagay sa iyo sa magandang posisyon upang bulagain sila.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.