Walang duda, Fnatic ang tunay na hari ng lower bracket sa Valorant Champions Tour Stage 2 Masters sa Reykjavik, Iceland.

Matapos matalo ng Sentinels sa Upper Bracket Quarterfinal sa Day 2 ng competition, gumawa ng miracle run ang European squad.

Mula noon, tinalo ng second seed European team ang Southeast Asian representatives na X10 at ang North American squad na Version1.

Nagpatuloy ang European team sa Day 6 kung saan tinalo nila ang kanilang regional rival na Team Liquid. Pinauwi din nila ang Korean squad na NUTURN Gaming sa nakakabilib na Lower Bracket Final.


Ang ganti ng Fnatic sa Team Liquid sa Lower Bracket Semifinal

Valorant Fnatic Boaster VCT Stage2 Masters Day6
Credit: Riot Games

Bago ang VCT Stage 2 Masters, natalo ang Fnatic sa Team Liquid sa Grand Final ng EMEA regional qualifiers. Subalit sa Day 6 ng competition, nagawa nilang bumawi nang makakuha sila ng 2-0 na panalo laban sa kanilang regional rival.

Sa pagpasok sa tournament, ibinahagi ng Fnatic team captain na si Jake “Boaster” Howlett sa isang post-game press conference ang kanilang motto sa event, “first team in, last team out,” patungkol sa kanila na unang naglaro sa tournament at gustong maging huli sa pag-alis dito.

Sa Game 1 sa Bind, malaking tulong sa Fnatic ang ginawa nina Domagoj “Doma” Fancev at Boaster nang ma-clutch nila ang dikit na 13-10 na panalo, at pumigil sa binabalak na comeback ng Team Liquid.

Bagamat kitang-kita sa Team Liquid ang nakakabilib na performance nila Adil “ScreaM” Benrlitom at Travis “L1NK” Mendoza, lamang pa rin ang Fnatic pagdating sa team coordination at set plays.

Pinakita rin ni Martin “Magnum” Peňkov ang kanyang pinakamagandang performance sa tournament sa final map, kung saan sya ang tinanghal na MVP sa Ascent na may 26/16/8 KDA at 326 ACS kay Cypher.


Ang paglaglag ng Fnatic sa Korean team na NUTURN Gaming

Valorant Fnatic VCT Stage2 Masters Day6
Credit: Riot Games

Hinarap ng top European squad ang NUTURN Gaming sa Lower Bracket Final.

Mas maganda ang ipinakita ng Korean squad kumpara sa last match nila laban sa Sentinels. Matapos manalo ng Fnatic sa Bind, sumagot ang NUTURN Gaming ng isang malakas ng 13-8 win sa Ascent.

Nakilala ang NUTURN Gaming sa tournament bilang mga comeback kings, dahil madalas silang matalo sa kanilang mga unang matches.

Pero ang naging turning point ng laban ay nang manalo ang Fnatic sa isang pistol round sa Haven. Madalas ay hirap ang Fnatic sa halftime pistol rounds, pero ang C-site defense ni Boaster kay Astra ang pumigil sa NUTURN Gaming para makakuha ng momentum para sa kanilang comeback.


Ang nakakatakot na responsibilidad na talunin ang Sentinels sa Grand Final

Kung gusto ng Fnatic na makuha ang kauna-unahang international Valorant tournament, kailangan nilang masolusyunan ang mga halimaw ng North America, ang Sentinels.

Hindi pa natatalo ang Sentinels sa tournament. Hindi lang sila basta-basta undefeated, winasak nila ang mga kalaban papuntang Grand Final. Pero tanging Fnatic lang ang team na nagkaroon ng dikit na laban.

Nagkita ang Fnatic at Sentinels sa nakaraang Upper Bracket Semifinals, kung saan nanalo ang North American squad ng dalawang dikit na laban sa Icebox at Haven sa score na 13-11 at 13-10.

Sa post-game interview ng Fnatic matapos talunin ang NUTURN Gaming, naniniwala ang mga European na sila ang team na may pinakamalaking tsansa na matalo ang Sentinels.

“I’m looking forward to playing them again. This time, we’ll have some sort of insight into how they play and we’re not going into it blind. Also, we have some LAN stage experience now. So, we’re going to come in and we’re going to give it our all. Sentinels better watch out,” sabi ni Boaster.

Tinawag ni James “Mistic” Orfila na ‘copycats’ ang Sentinels dahil sa paggamit nila ng kaparehong agent composition sa Bind, ito’y matapos nayang ipahayag na ang Fnatic ang pinakamagaling na team sa nasabing mapa.