Naging kauna-unahang VCT EMEA team ang Fnatic na maka-qualify para sa Masters Reykjavík, matapos talunin ang M3C (dating Gambit Esports) sa isang epic three-map thriller sa Stage 1 Challengers Playoffs. Ang pangatlo at huling mapa, ang Split, ay napunta sa isang nakaka-windang sa 10 total overtime rounds, bago tinapos ni Jake “Boaster” Howlett at ang kaniyang mga kasama ang match. 

Sa isang laro na nagmukhang isang grand final kaysa sa isang playoffs match, nagpakita ng katatagan ang Fnatic at M3C sa 20 additional rounds ng overtime, na para nang katagal ng isang bagong mapa. 

Gitgitan ang labanan sa serye na puro clutch sa mga rounds. “At 19-19, I was okay with losing. But we just kept going!” sabi ni Boaster sa post-match interview. 

Nakuha ng Fnatic ang Split sa isang matinik na 23-21 scoreline 

Valorant Champions Fnatic Derke 2021
Credit: Riot Games

Tinapos ng Fnatic ang unang half ng Split na may 9-3 advantage, ngunit kilala ang M3C sa kanilang reputasyon bilang comeback kings sa Valorant. 

Matapos mag-switch sa attack, nakalamang ang Fnatic 12-7 para magkaroon ng limang match points. 

Ngunit nakasungkit pa ng limang straight na defensive rounds si Igor “Redgar” Vlasvov at ang kaniyang team ng M3C para ma-push ang mapa sa overtime. Ito ay sa halip ng halimaw na performance ng star duest ng Fnatic na si Nikita “Derke” Sirmitev na nakakuha ng 46 kills sa Split lamang. 

Ngunit matapos ang dalawang defense-sided na half, bumaliktad ang lamesa sa overtime. Naging isang struggle ang laro na manalo sa defense. Ito ay naging all-out brawl sa mid, kung saan naghirap ang dalawang teams makakuha ng kontrol. 

Hindi naghiwa-hiwalay ang mga teams at bawat round ay gitgitan ang score. Sa Round 32, nanalo sa isang 1v2 duel si Nikita “D3ffo” Sudakov, ngunit natalo sila sa round dahil sa 0.02s na naiwan para ma-defuse ang spike. 

Dumating ang turning point sa Round 43, kung saan nakakuha ng isang high-impact kill si Derke kay Bogdan “Sheydos” Naumov na nakahawak sa team flank sa Mid Vent. Dahil sa kill na ‘yun, na-pressure na nina Derke at Martin “Magnum” Peňkov ang B Heaven at nakuha ang kanilang site muli. 

Dahil naputol na ang deadlock, nakuha na ng Fnatic ang sumunod na round para mapanalunan ang serye, 23-21.