Kadalasang nahihirapan intindihin ng mga Valorant players ang mga bagong mapa, tulad ng bago, ang Fracture.

Dahil papalapit na dumating ang Episode 3 Act 2 at ang Valorant patch 3.05, gumawa kami ng isang guide para mapabilis ang learning curve at makapagbigay ng impormasyon na kailangan malaman ng mga players. 

Ang motibo ng guide na ito ay para makatulong sa mga baguhan, at para hindi na nila iwasan ang pinakabagong mapa ng Valorant.

Ang H-shape layout guide ng Fracture 
Credit: Riot Games Screenshot ni Nigel Zalamea

Mukhang nakakatakot ang Fracture, pero simple lang talaga siya. Bagamat mayroong maraming lokasyon ang mapang ito, maliit ito kumpara sa ibang mapa tulad ng Breeze at Haven.

Isang tingin sa sound radius circle sa minimap ay magpapakita na ang mga maaring marinig ng mga players ang onting parte ng mapa. Dapat maging may kamalayan ang mga players na importante ang map control dahil mayroon itong apat na ultimate orbs sa mapa.

Ultimate orb locations on Fracture 
  • A Hall 
  • A Dish 
  • B Arcade 
  • B Main 
Ano ang sound radius circle? 
Credit: Riot Games Screenshot ni Nigel Zalamea

Ang maliit na radius circle sa nakapalibot sa iyong agent sa minimap ay nagpapakita kung gaano kalayo mo maaring marinig ang footsteps at agent abilities ng enemy agent. Hinahayaan din nito malaman mo kung gaano kalakas ang ingay na ginagawa mo sa mapa. 

Kung ikaw ay naliligaw, alalahanin mo na ikaw ay nasa isang higanteng H-shape na mapa na kung saan nasa kaliwa ang A site at nasa kanan ang B-site.
 

Attackers side guide: Tips at tricks 
Credit: Riot Games Screenshot ni Nigel Zalamea

Ang rason kung bakit kakaiba ang Fracture maliban sa kaniyang interactive na narrative objects ay mayroong dalawang spawns ang attackers. 

Sa simula ng round, maaraming gumamit ng isang zipline ang attackers na magdadala sa kanila sa kabilang parte ng mapa. Nagbubukas naman ng mas maraming avenues of attack ang dalawang spawns sa magkabilang parte ng Fracture. 

Sa simula ng round, pumili ng isang site para atakehin at ipitin ito sa pamamagitan ng pag-push mula sa taas at baba na parte ng mapa. Sa pagpalibot mo ng isa sa mga sites na ito, maaring makita ng mga attackers ang lokasyon ng defenders at maari nilang makuha ang site na ito.

Mga importanteng bagay na dapat mong alalahanin tungkol sa attacker spawn zipline 
Credit: Riot Games Screenshot ni Nigel Zalamea
  • Kapag kinuha mo na ang zipline, hindi ka na pwedeng tumigil o bumalik pa 
  • Mayroong dalawang ziplines at one-way lang ang mga ito 
  • Hindi ka pwedeng tumalon mula sa zipline 
Defenders side guide: Tips at tricks
Credit: Riot Games Screenshot ni Nigel Zalamea

Dahil alam mong mayroong maraming spots na kung saan pwede mag-push ang attackers, importante na ma-hold mo ang mga specific na choke points na ito:

  • A Dish 
  • A Hall 
  • Patungong B Arcade 
  • Patungong B Tree 
  • Patungong B Arcade 

Ang pinakaimportanteng parte ng mapa para sa mga defenders ay ang kanilang spawn dahil ito ang pinakamabilis na paraan para makapag-rotate sila mula sa isang site patungo sa isa pang site. Hindi makakapasok sa spawn ng defenders ang mga attackers nang hindi tatawid sa isa sa mga sites sa mapa.

Mag-aalala lamang dapat ang mga defenders sa kanilang spawn ay kung gumamit si Omen ng From the Shadows o di kaya gumamit si Yoru ng Dimensional Drift para makapasok.

Ang pinakabagong mapa ng Valorant, ang Fracture, ay ilalabas kasabay ng Valoran patch 3.05 na ilang linggo na lang ay darating na.