G2 Esports ang pinakahuling major esports organization na nag-sign ng all-female Valorant Team. Babandera sa ilalim ng pangalang G2 Gozen ang kupunang katatampukan ng squad na dating CS:GO roster ng XSET.
Ayon sa press release ng G2 Esports, isusulong ng pagtataguyod ng G2 Gozen ang mixed league na kumpetisyon kung saan maaaring maglaro ang kapwa lalaki at babae.
G2 Gozen Valorant roster

- Julia “juliano” Kiran
- Zainab “zAAz” Turkie
- Petra “Petra” Stoker
- Anja “aNNja” Vasalic
- Michaela “Mimi” Lintrup
Naniniwala ang G2 na ang kanilang all-female valorant roster ay gagawa ng sarili nilang pangalan sa nagbabagang Valorant eksena. “We are confident that we will have many victories to celebrate in the coming tournaments as they compete alongside our existing Valorant team,” said G2 Esports.
Mga achievement sa CS:GO ng bagong minta na G2 Esports All-Female Valorant team

Dala ng talentadong all-female squad na ito ang malawak na CS:GO pro play experience, at sa paglipat nila sa Valorant noon lamang September 16, malaki ang inaasahan ng G2 sa kanila.
Sina Juliano, Mimi ad zAAz ay dating parte ng Team Secret roster na nanalo sa eSports World Convention tournament noong 2016, kung saan pinataob nila ang Selfless Gaming Female, 2-1 sa grand final.
Ang all-female Valorant team ng G2 Esports ay inaasahang mag-dedebut sa qualifiers ng spangalawang EMEA Game Changers event na naganap noong October 25.