Mukhang maganda ang hinaharap para sa Valorant team ng G2 Esports, ito ay dahil sa mga bagong mukha sa kanilang roster.
Sa pag-alis nina Patryk “paTiTek” Fabrowski, Ardis “ardiis” Svarenieks, at Aleksander “zeek” Zygmunt, nagbigay daan ito para sa tatlong bagong players para sumali sa team.
Gumawa G2 Esports ng comicbook-inspired Valorant Roster reveal
Sa isang napaka-astig na roster reveal, inanunsyo ng G2 Esports ang mga bagong myembro ng kanilang Valorant team sa isang mala-comicbook na animated video.
Pinapakita sa video ang in-game leader ng G2 na si Oscar “mixwell” Coloch na nagme-meditate sa isang malayong monasteryo sa isang liblib na lugar sa Kathmandu, Nepal.
Sa kanyang zen state, nahanap nya ang mga perfect agents na ire-recruit para sa G2 Esports – sina Žygimantas “nukkye” Chmieliauskas, Auni “AvovA” Chahade, at Jose Luis “koldamenta” Herrero.
Pagsali ng dating VCT Champions sa G2 Esports
Hindi na bago ang pangalan nila AvovA at nukkye sa Valorant EU scene dahil mga dati silang myembro ng Heretics.
Malaki ang kanilang naiambag sa pagkapanalo ng Heretics sa Valorant First Strike: EU championship noong December 2020, kung saan tinalo nila ang G2 at Team Liquid.
Kilala si AvovA sa paggamit ng mga controllers tulad ni Omen, habang si nukkye ay madalas na nangunguna sa leaderboards gamit ang duelist na si Raze.
Si koldamenta naman ay dating in-game leader at founding member ng Acend, ang wildcard team na nanalo sa Stage 1 Masters. Nakilala sya bilang isang initiator gamit ang kanyang main na si Sova.
Narito ang buong G2 Valorant roster:
- Oscar “mixwell” Colocho (captain)
- Jaocb “pyth” Mourujarvi
- Žygimantas “nukkye” Chmieliauskas
- Auni “AvovA” Chahade
- Jose Luis “koldamenta” Herrero
Masusubok ang husay ng bagong team sa paparating na VCT Stage 3, kung saan haharapin nila ang Team Liquid, Fnatic, at iba pang EMEA Valorant teams.