Sa katatapos lang na Valorant Champions Tour (VCT) Stage 3 Challengers PH Week 2, nasaksihan ng marami ang husay na ipinakita ng Galaxy Racer nang kunin nila ang kampeonato upang maging ikalawang kinatawan ng Pilipinas para sa VCT Stage 3 Southeast Asia Challengers Playoffs.

Tila bagyo na dinaanan ng Galaxy Racer ang playoffs brackets mula Quarterfinals hanggang Grand Final. Nagdomina ang Galaxy Racer laban sa Sierra Esports Atlas sa isang malinis na 2-0 win para sa unang laban ng playoffs. Mabilis na natapos ang unang laban sa score na 13-1, samantalang 13-9 naman ang score ng Game 2.

Valorant VCTStage3PHChallengersWeek2 GXRvsSE score
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa kanilang unang match laban sa Alpha Esports Pro, isang upset ang natamo ng Galaxy Racer sa score na 13-11. Ngunit bumawi sila sa Game 2 dahil sa imposibleng 3v1 play na ginawa ni Yonggi “Yohann” Tecson, dahilan upang makuha nila ang ikalawang game sa score na 13-11.

Sa huling match ng series laban sa Alpha Esports Pro, ipinakita ng Galaxy Racer kung bakit sila ang nararapat na tumungtong sa Grand Final nang tuluyan nilang was akin ang kalaban sa score na 13-3.

Sa kabila ng mahigpit na laban sa Grand Final, mariing pinatunayan ng Galaxy Racer na sila ang dapat na maging kinatawan ng bansa sa VCT Stage 3 SEA Challengers Playoffs nang tapusin nila ang Grand Final series laban sa SV Empire sa score na 3-1.

Valorant VCTStage3PHChallengersWeek2 GXRvsSV score
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Si George “Georggyyy” Lachica anf tinanghal na MVP ng series, sya ay may 253 ACS (Average Combat Score).

Valorant VCTStage3PHChallengersWeek2 Georggyyy MVP
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Nang tanungin sa post-game interview kung paano nila napanatili ang husay sa kanilang laro, sinabi ni Yohann kung gaano kalaking parte ng kanilang training ang disiplina.

“Number one talaga ang discipline para manalo ang team. Kasi kung walang discipline, parang wala din,” sabi ni Yohann.

Ang Galaxy Racer ang ikalawang PH team na makakasali sa VCT Stage 3 SEA Challengers Playoffs.