Historic na naman ang panalo ng Valorant powerhouse team ng Russia, ang Gambit Esports. Sila ang kauna-unahang team na manalo sa isang Valorant Champions Tour map na may score na 13-0 sa isang LAN event.

Dinurog ng Russian squad na ito ang kanilang Berlin-based na kalaban sa Icebox; hindi sila nagpamigay ng ni isang round sa kanilang semifinals match laban ang G2 Esports sa VCT Stage 3 Masters Berlin. 

Paano napanlo ng Gambit Esports ang match, 13-0 sa Icebox laban ang G2 Esports

Matapos nilang mapanalunan ang unang mapa, 13-10 sa Breeze, gusto gawing patas ng G2 Esports ang serye sa kanilang pangalawang mapa. Ngunit sa kasamaang palad, nagkaroon ng perpektong stratehiya ang Gambit para ma-counter ang kanilang aggressive playstyle sa Icebox.

Laging naglalaro ang G2 base sa kanilang duelists na sina Cista “keloqz” Wassim at Žygimantas “nukkye” Chmieliauskas, na binibigyan ng espasyo ang kanilang team para makuha ang advantage. Si Keloqz ay pang-anim sa ACS sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Credit: Riot Games

Na-neutralize ng Gambit ang G2 gamit ang kanilang slow-placed playstyle, kung saan kumukuha sila ng impormasyon sa kanilang atake. Ang stratehiyang ito ay nagbigay din ng sapat na oras sa kanilang star player na si Ayaz “nAts” Akhmetshin para makapag-lurk at flank.

Sa kabuuan ng VCT Stage 3 Masters Berlin torunament, pinatunayan ni nAts na siya ang pinakamatiyagang Valorant pro sa kompetisyon. Nagkaroon pa ng rounds kung saan nanatili siya sa attacker spawn para ma-cut off ang flank plays ng G2.

Matapos matalo ng walong straight rounds sa Gambit, hindi na nakabangon pa ang G2 Esports. Naligaw na sila sa mapa, at doon sila pinitas ni nAts gamit ang kaniyang superior na movement, game sense, at aim mechanics.

Nanalo ang Gambit Esports sa second half pistol round at nakuha nila ang pinaka-dominanteng panalo ng VCT Stage 3 Masters Berlin tournament. Natapos din ni nAts ang laro ng mayroong 40/25/9 KDA.

Matapos ang match, pinuri ng G2 ang kanilang kalaban sa post-game press conference.“We already practice against them daily, and they’re the strongest team in this tournament,” sabi ni Oscar “mixwell” Cañellas Colocho ng G2 Esports.

Tinalo ng Gambit Esports ang Team Envy, 3-0 sa grand final at nasungkit ang Masters Berlin title.