Gambit Esports ang hinirang na kampeon ng VCT Stage 3 Masters Berlin matapos pangibabawan ang grand final ng naturang Valorant tournament kontra Team Envy.

Nakapagharap sa best-of-five serye ang pambato ng EMEA at kinatawan ng NA matapos nilang ilaglag ang mga nakaharap nilang koponan simula quarterfinals ng playoffs.

Gambit Esports winalis ang Team Envy sa Masters Berlin grand final

Gambit Esports vs Team Envy VCT Stage 3 Masters Berlin Grand Final
Credit: Riot Games

Sa kabila ng final score na naitala sa huling serye ng turneo, hindi naging ganoon kadali para sa Gambit Esports na iselyo ang bawat mapa kontra Team Envy.

Nagsimula ang sa Bind ang serye. Halos salitan ang parehong koponan sa pagkuha ng rounds sa unang half ng mapa bago sinubukang lumayo ng Gambit pagpasok ng round 13.

Abot-kamay na sana nila ang mas maagang panalo kung hindi dahil sa pagpapakitang-gilas ni Victor “Victor” Wong ng Team Envy bilang Skye upang mapigilan ang pag-defuse ng Sova ni Timofey “Chronicle” Khromov sa Spike.

Bagamat nakatulong ang clutch play na ‘to ni Victor upang mapwersa ang overtime, bigo pa rin silang pigilan ang Gambit Esports na kunin ang Bind sa score na 15-13.

Halos pareho ang naging istorya ng bakbakan pagdating sa Haven. Binuksan ng parehong koponan ang ikalawang mapa nang nagsasalitan sa panalo. Sa tulong ni Jaccob “yay” Whiteaker, napalago ng Team Envy ang kanilang kalamangan para mapakaba nang bahagya ang kanilang katapat.

Pero nanatiling determinado ang kinatawan ng EMEA. Ang malupit na play na palang ‘yon ni yay ang huling beses na mananalo ng round ang Team Envy matapos iselyo ng Gambit Esports ang huling apat na rounds at iselyo ang ikalawang mapa ng serye sa score na 13-11.

Naidikit pa rin ng NA representative ang bakbakan pagdating sa Split pero tuluyan na silang naubusan ng bala kontra sa ‘chaotic playstyle’ ng kanilang kalaban.

Tabla sa 6-6 ang score bago magpalit ng sides ang koponan. Pagpasok sa second-half, mariing napatunayan ng Russian representatives na mas magaling sila bilang Defender kesa sa kanilang kalaban. Tatlong sunod-sunod na rounds ang kanilang naipanalo bago ang 4K na ‘to ng Viper ni Chronicle noong Round 21.

Muling sumandal ang koponan sa malupit na tutok ni Chronicle sa match point. Pero bukod dito, crucial din ang whiff ni yay kontra sa nasabing initiator, dahilan para maselyo ng EMEA Challengers champion hindi lang ang mapa, kung hindi pati na rin ang VCT Stage 3 Masters Berlin championship title.


Dahil sa pagkakapanalo ng Gambit Esports, naselyo rin nila ang slot ng Fnatic, na pumangalawa sa VCT point standings ng EMEA region, para sa Valorant Champions 2021.

Valorant Champions 2021
Credit: Riot Games

Bukod naman sa sarili nilang slot sa nasabing engrandeng turneo at ang presitihiyosong championship title, nag-uwi rin ang mga Russians ng USD$225,000, ang pinakamalaking bahagi ng $700,000 na prize pool.

Nakatakdang ganapin ang Valorant Champions 2021 sa Disyembre.