Dati nang mainit na isyu na ang gameplay consistency sa Valorant kahit mula pa nang i-launch ito noong 2020. Marami ang nagrereklamo kung gaano ka-inconsistent ang pakiramdam sa paglalaro nito.

Maaaring lagi kang nakaka-one tap headshot sa isang laro at biglang hindi na makatama sa susunod. Sa ibang banda, may mga manlalaro na nakikipagtalo kung bakit may unfair na peeker’s advantage ang mga manlalaro na may mas mataas na ping. Dahil dito, mas nauuna nilang makita ang isang kalaban na nagho-hold ng angle.

Lahat ng ito ba ay nasa utak mo lang? O sadyang may mali sa kung paano nire-register ng laro ang iyong mga tira?

Aktibo namang tinitignan ito ng Riot Games at nananatiling isa sa top priorities ng kanilang team ang gameplay consistency sa Valorant.

Sa isang developer update kamakailan, nilinaw ng Riot ang mga resulta ng kanilang imbestigasyon at kung ano ang kanilang ginagawa para i-improve ang gameplay experience sa kanilang FPS title.


Aktibong ini-improve ng Riot ang gameplay consistency sa Valorant

Credit: Riot Games

Pagdating sa latency, ang isa sa pangunahing reklamo ay kung paanong incosistent pa rin ang pakiramdam sa laro kahit na ang measures tulad ng render latency, network round-trip travel time to server at tick rate ay stable naman. May dalawang posibleng isyu ito–ang network buffering at network jitter.

Sinusubukan ng network buffering na maging smooth ang gameplay sa pamamagitan ng paglagay ng maliit na amount ng delay bago i-process ang player input data upang maitago ang inconsistencies sa kung paano dumadating ang packet.

Sa kabilang banda, ang network jitter naman ay tumutukoy sa variance kung gaano katagal maaabot ng packets ang kanilang destinasyon. Kung mataas ang jitter, kailangan i-delay ng server ang iyong input nang mataas na amount dahil may madalas at unpredictable gaps sa pagitan ng isang packet at sa susunod dito.

Valorant VCT 2022 NA T1 Disqualified Versus TSM
Screenshot ni Koh Wanzi

Nakapag-isip ang Riot Games ng ilang minor improvements sa mga area na ‘to.

Sa ngayon, kapag ang network buffering ay tumatalon dahil sa network o performance hiccup, mas matagal nakaka-recover ang system. Sa short recovery period na iyon, maaaring makaranas ang players ng mas mataas na end-to-end latency. Pinakakapansin-pansin ito pag na-a-alt tab at naka-set sa mababang value ang background framerate.

Magsasagawa ang Riot ng improvements para ma-address ang isyu na ‘to kaya makakaranas ka na ng mas kaunting unexpected increases sa latency.

Pangalawa, mini-minimize ng Valorant ang network buffering para hangga’t maaari ay mas malapit sa real-time ang input latency at ang view mo sa ibang players. Kaya nga lang, maaaring makaranas ang may mas mataas na jitter networks ng paulit-ulit na latency adjustments sa bawat ilang segundo at dahil dito ay mararamdaman mong inconsistent ang latency.

Sinabi ng Riot na tinatrabaho nila ang pagsasaayos ng buffering behavior upang ma-improve ang overall gameplay consistency sa Valorant.


Paano naman ang peeker’s advantage?

Credit: Riot Games

Siniseryoso rin ng Riot Games ang mga alegasyon na ang mga players na may high ping ay mayroong hindi nararapat na peeker’s advantage. Ia-upgrade nila ang kanilang internal tooling upang masukat nang eksakto ang peeker’s advantage.

Magte-test ang developer ng iba’t-ibang networking scenarios para masiguro kung ang high ping ng isang player ay may obvious na epekto. Dagdag pa rito, ire-review din nila ang data mula sa live matches upang matuloy ang trends kung paano nakaka-impact ang high ping sa performance at resulta ng laro.

Patuloy na ipa-publish ng Riot ang mga resulta ng kanilang findings. Sa hinaharap, plano nilang palakasin pa ang kanilang internal testing capabalities upang ma-measure at ma-improve pa lalo ang gameplay consistency sa Valorant.

Pwede niyong basahin ang kabuuan ng pinakabagong developer update dito.

Para naman sa mga balita, features at highlights patungkol sa Valorant, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.