Nangangailangan ka ba ng Valorant Points para sa skin bundle na gusto mo?

Swerte ka dahil may paraan para makakuha ng free Valorant Points, at sa Riot Games pa mismo manggagaling! Maaari kang mag-submit ng request sa kanilang support page.

Importanteng malaman na ang Riot Games ang magdedesisyon kung gaano karaming free Valorant Points ang ipamimigay nila.

At para hindi na kayo mahirapan, sinubukan naming mismo ang proseso ng pag-request.


Mga hakbang kung paano makakuha ng free Valorant Points

Step 1: Mag-login sa iyong Valorant account

Siguraduhing naka-login ka sa tamang Valorant account bago mag-submit ng request ticket.

Step 2: Mag-submit ng request sa Valorant support page at piliin ang alin man sa “Purchase & In-game Content” o “General”

I-fill out ang ticket information na kailangan. Maganda rin na ilagay ang “Valorant Points (VP)” sa iyong subkect line para mas mapadali ang pagtulong sa’yo ng Player Support Representative.

Dagdag pa dito, pinili naming ang “I need help with something else” bilang type ng inquiry, at “Weapon Skins” bilang type ng content.

Step 3: Mag-request ng task para sa free Valorant Points, at hintayin ang sagot ng Player Support Representative

Maaari kang mag-request ng task kapalit ng free Valorant Points, o isama na agad ang iyong artwork at hintayin ang iyong VP. Kung nangangailangan ka ng eksaktong halaga ng VP, pwede mo ring banggaitin.

Napagpasyahan naming i-drawing ang Valorant GO! Vol. 1 Ghost skin sa abot ng aming makakaya.

Step 4: I-submit ang iyong artwork sa Player Support Representative ng Riot Games

Ang isa pang pwede mong gawin ay mag-request ng task at hintayin ang representative na sumagot, tsaka mo i-submit ang iyong artwork.

Pwede itong drawing o audio recordings, kung mahilig ka sa Valorant agent impressions.

Valorant RiotGamesPlayerSupportTask
Credit: Riot Games Support

Step 5: Hintayin ang iyong free Valorant Points mula sa Player Support Representative

Samahan mo ng dasal.

Ike-credit ng Riot Games ang free Valornat Points derecho sa iyong account. Pwede mong i-check pag natanggap mo na ang sagot nila. Tandaan na isang beses ka lang pwede mag-request ng free Valorant Points.

Valorant Free ValorantPoints ApprovedByRiotGames
Credit: Riot Games Support

Paiba-iba rin ang amount ng Valorant Points na ibinibigay sa mga players, ang Riot Games Player Support Representative na ang bahala mag-desisyon dito, kaya galingan mo.

Ang program na ito ay para sa mga players na kinapos ng konting Valorant Points para sa mga skins, bundles, player cards, gun buddies, sprays, agent unlocks, at maging Battle Pass.

Ang tradisyon na ito ay nagmula sa mga League of Legends players. Ang pagpapadala ng drawings sa Riot Games Support kapalit ng Riot Points ay tinawag na “RP Art.”

Ang akdang ito ay isang pagsasalin ng orihinal na akda.