Inanunsyo kamakailan ng North American esports organization na TSM ang pagtanggal nito kay James “hazed” Cobb na agad namang tinapik ng NRG.

Isa ang TSM sa mga malalakas na koponan sa pagsisimula ng 2021 Valorant Champions Tour (VCT) season. Matagumpay ang kanilang kampanya sa Ignition Series matapos pagharian ang T1 x Nerd Street Gamers Showdown at FaZe Clan Invitational.

Ngunit pumalyang makapagtala ang TSM ng parehong resulta pagdating ng 2021 VCT season at makailang ulit na kinapos sa NA Challenger events. Kaya naman hindi naka-qualify ang koponan sa kahit anong international Master events ngayon taon.


Hazed tinanggal mula sa TSM roster sa pagtatapos ng 2021 VCT season

Credit: TSM

Napadpad si hazed sa TSM matapos nitong i-sign ang ex-CS:GO pro team na mouseSpaz noong ika-22 ng Mayo, 2020, kung kailan nasa beta phase pa lamang ang Valorant. Siya ang nagsilbing in-game leader dahil siya ang pinaka-beterano sa koponan. Simula 2010 pa ay naglalaro na bilang pro si Hazed sa Counter Strike.

Pinangunahan ng 32-year-old player ang TSM patungo sa 10th place finish sa VCT NA circuit points standings ngunit ‘di ‘to naging sapat para makapasok ang koponan sa VCT NA Last Chance Qualifier (LCQ).

Ngayong tapos na ang season, layon ng organisasyon na ayusin ang roster nito para sa darating na season.

Kasalukuyang Valorant roster ng TSM

  • Matthew “Wardell” Yu
  • Yassine “Subroza” Taoufik
  • Aleko “LeviathanAG” Gabuniya

Hazed pumirma sa NRG para sa paparating na 2022 VCT season

Hazed kinuha ng NRG
Credit: NRG

Tulad sa TSM, nahirapan din ang NRG sa 2021 VCT season. Pumalya silang makapasok sa kahit anong Master events dahil sa mga maagang pagkalaglag sa NA Challenger events.

Magulo ang 2021 season ng organisasyon kung saan nagkaroon sila ng 12 roster changes.

Credit: Hazed

“NRG had shown interest in me in the past and had considered the move for some time,” ani ni hazed sa Twitter.

Target ng beterano na pangunahan ang Valorant roster ng NRG at ituro sila sa tamang direksyon sa susunod na season.

Valorant roster ng NRG para sa 2022 VCT season

  • Sam “s0m” Oh
  • Daniel “eeiu” Vucenovic
  • Bradley “ANDROID” Fodor
  • Ian “tex” Botsch
  • James “hazed” Cobb

Kakayanin kaya ni hazed na magtagumpay kasama ang NRG?

Asahan ang mga balita mula sa Riot Games patungkol sa 2022 VCT season pagkatapos ng Valorant Champions 2021 na magsisimula sa ika-2 ng Disyembre.


Pagsasalin ito ng orihinal na akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.