May bagong 2022 Valorant Pride bundle ngayong Pride Month.

Tampok dito ang walong iba’t-ibang player cards at gun buddy. Alinsunod ito sa paglatag ng Riot Games ng Pride items sa lahat ng laro nila, kabilang na ang League of Legends, Teamfight Tactics, Legends of Runeterra, at Wild Rift.

Iba-ibang Pride flag ang makikita sa bawat player card para marepresenta ang pagkakakilanlan ng mga miyembro ng LGBTQ+ community, katulad ng transgender, non-binary, pansexual, lesbian, bisexual, at asexual.

Available na noong Hunyo ng nakaraang taon ang pito sa mga flag na ‘to, pero ngayon, may dinagdag ng Riot Games ang Pride flag para sa mga gay men.

Narito kung paano makuha ang libreng 2022 Pride bundle.

Libreng 2022 Pride bundle, makukuha sa store

Paano makuha ang libreng 2022 Pride bundle sa Valorant

Mas pinadali na ng Riot Games ang pagkuha ng Pride cards ngayong taon. Dati kasi, kailangan pang mag-input ng code para ma-redeem nang isa-isa ang cards, ngayon, direkto mo na siyang makukuha sa in-game store bilang bundle.

‘Di mo na rin kailangan mag-alala dahil libre ito. Pindutin lang ang bundle, at i-confirm ang purchase sa pag-click ng berdeng price button.

Lahat ng walong cards at ang gun buddy ay otomatikong madadagdag sa iyong collection.

“We want all players to feel their identities are represented,” sulat ng Riot Games sa isang blog post. “No matter where you live, who you are, or who you love, we want to make sure you can see yourselves while you play.” 

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: DubsteP umamin na sa kanyang crush matapos manalo ng Team Secret sa VCT PH Stage 2