Nagbalik na ang dating laro ng Team Secret sa VCT PH Stage 2 Challengers, kung saan nakuha nila ang top spot sa group stage ng tournament na may 6-1 record.

Isang araw bago magsimula ang playoffs, nag-anunsyo si Javee “DubsteP” Paguirigan sa Twitter na kung mananalo sila sa VCT Philippines Stage 2 Challengers, ay aamin na siya sa kanyang crush.

Sakay ang momentum mula sa kanilang performance sa group stage, kitang-kita na motivated ang Secret sa kanilang walang mintis na run sa upper bracket, kung saan tinalo nila ang kanilang mga karibal na South Built Esports at Rex Regum Qeon 2-0.

Muling pinatunayan ng Secret na sila ang pinakamahusay na Valorant team sa Pilipinas nang talunin nila ang Oasis Gaming 3-1 sa grand finals. Maging si DubsteP mismo ay nagpakita ng mas malawak na agent pool bukod sa kanyang karaniwang Jett, na pumili ng Yoru sa Bind at Ascent, at KAY/O naman sa Haven sa kahabaan ng kanilang VCT Philippines Stage 2 Challengers run.

DubsteP ng Team Secret umamin na sa kanyang crush matapos manalo sa VCT PH Stage 2 Challengers

*image

Matapos manalo, muling sinabi ni DubsteP na aamin na siya ng kanyang nararamdaman para sa kanyang special someone.

“I’m not lying,” sabi niya. “That was one of my motivations going into the tournament.”

Pinuri rin ng Filipino duelist ang kanyang mga teammates at sinabing sila ang naging inspirasyon niya sa araw-araw na sila ay nasa bootcamp. “It’s really great,” sabi niya. “I couldn’t have asked for a better roster than this.”

Bilang pagtupad sa kanyang pangako, sinabi ni DubsteP sa kanyang mga fans sa Twitter na tuluyan na siyang umamin sa kanyang crush dala ang isang bouquet ng white roses isang araw matapos manalo ng Secret sa VCT Philippines Stage 2 Challengers.

“I am so glad I had the courage to say it,” sabi niya.

Ngunit nagdesisyon si DubsteP na huwag ibunyag ang pangalan ng babae, bilang respeto at ikatatahimik niya.

*image

Ang Team Secret, kasama ang Oasis Gaming at Rex Regum Qeon, ay maglalaro sa VCT APAC Stage 2 Challengers. Ang tatlong Filipino teams ay haharap laban sa mga pinakamahuhusay na squad mula sa Thailand, Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam, Hong Kong, Taiwan, India, at Oceania.

Ang top 2 teams mula sa VCT APAC Stage 2 Challengers ay aabante papuntang VCT Stage 2 Masters Copenhagen, ang ikalawang international Valorant LAN event ng VCT 2022 season.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.