Nagpapatuloy ang Valorant action sa Southeast Asian region sa VCT Philippines Stage 2 Challengers Playoffs, kung saan tampok ang anim sa pinakamahuhusay na teams sa ating bansa.
Nagbabalik ang Team Secret na nakakuha ng 6-1 record sa group stage at nakakuha ng top seed sa playoffs. Samantala, ang Rex Regum Quen naman ang sumusunod na may 4-3 record na nakakuha rin ng pwesto sa second round ng upper bracket.
Ang mga top contenders ng Stage 1 na Action PH at NAOS Esports ay hindi nakaabot sa ikalawang bahagi ng Stage 2 sa kadahilanang hindi nakaahon ang dalawang squads sa group stage. At dahil diyan, narito ang lahat nang kelangan niyong malaman tungkol sa playoffs kabilang na ang kumpletong schedule, mga kasaling teams, resulta, at kung saan mapapanood ang mga maiinit na laban.
Ano ang VCT Philippines Stage 2 Challengers Playoffs?
Ang tournament na ito ang bumubuo sa huling bahagi ng VCT Stage 2 sa Pilipinas. Ang top three teams mula sa tournamenr ay aabante papuntang VCT APAC Stage 2 Challengers.
Schedule at resulta ng VCT Philippines Stage 2 Challengers Playoffs
Ang Playoffs ay gaganapin mula May 25 hanggang 29, maglalaban-laban ang mga teams para sa korona ng VCT Stage 2 champion ng Pilipinas.
(To be updated)
May 25
Upper Bracket Quarterfinals
TEAM | RESULTS | TEAM |
Oasis Gaming | 0 — 2 | South Built Esports |
Alpha Esports Pro | 1 — 2 | Bren Esports |
May 26
Upper Bracket Semifinals
TEAM | RESULTS | TEAM |
Team Secret | 2 — 0 | South Built Esports |
Rex Regum Qeon | 2 — 0 | Bren Esports |
May 27
Lower Bracket Quarterfinals
TEAM | RESULTS | TEAM |
Alpha Esports Pro | 1 — 2 | South Built Esports |
Oasis Gaming | 2 — 1 | Bren Esports |
May 28
Upper Bracket Finals
TEAM | RESULTS | TEAM |
Team Secret | 2 — 0 | Rex Regum Qeon |
Lower Bracket Semifinals
TEAM | RESULTS | TEAM |
South Built Esports | 1 — 2 | Oasis Gaming |
Lower Bracket Final
TEAM | RESULTS | TEAM |
Rex Regum Qeon | 1 — 2 | Oasis Gaming |
May 29
Grand Final
TEAM | RESULTS | TEAM |
Team Secret | 3 — 1 | Oasis Gaming |
Mga teams na maglalaro sa tournament
GROUP STAGE STANDING | TEAM | GROUP STAGE RECORD (W-L) |
1st | Team Secret | 6 — 1 |
2nd | Rex Regum Qeon | 4 — 3 |
3rd | Alpha Esports Pro | 4 — 3 |
4th | Oasis Gaming | 4 — 3 |
5th | South Built Esports | 3 — 4 |
6th | Bren Esports | 3 — 4 |
Format ng tournament
Ang anim na teams na nanggaling sa group stage ay maglalaban sa isang double-elimination format. Ang mga matches ay lalaruin sa best-of-three series, maliban sa Grand Finals na magiging best-of-five.
Saan mapapanood ang mga laban?
Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga matches live sa official Twitch, YouTube, at Facebook channels ng PPGL:
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.