Matapos ang halos dalawang linggo ng madugong bakbakan sa group stage ng VCT PH Stage 2 Challengers, nangunguna sa leaderboard at pasok sa playoffs ang Team Secret.
Kamuntikan nang magkaroon ng perfect run ang nagbabalik na Kings of Valorant PH kung hindi lang ito napadugo ng Alpha Esports Pro sa score na 0-2.

Sa kabila ng pagkatalo sa kanilang huling laban sa group stage, hindi pa rin mapipigilan ang pagpasok ng Team Secret sa playoffs na nanguna sa leaderboard ng group stage. Sa kabilang banda naman, ang panalong ito ang kinailangan ng Alpha Esports Pro upang makapwesto papunta sa susunod na bahagi ng tournament.
Mga teams na maglalaro sa VCT PH Stage 2 Challengers Playoffs

Ang VCT PH Stage 2 Challengers Playoffs ay magkakaroon ng isang double-elimination bracket kung saan ang lahat nang matches ay lalaruin sa format na best-of-three, maliban sa Grand Finals na magiging best-of-five.
Makakasama ng Team Secret na maghihintay sa Upper Bracket semifinals ang Rex Regum Qeon na mas kilala bilang RRQ. Samantalang ang Alpha Esports Pro, Oasis Gaming, South Built Esports, at BREN Esports naman ay magsisimula sa unang round ng Upper Bracket sa playoffs.
Ang VCT PH Stage 2 Challengers Playoffs ay magsisimula sa May 25 at mapapanood sa official Twitch, YouTube, at Facebook channels ng PPGL:
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.