Nagbigay ng opinyon at reaksyon ang mga pinakamagagaling na Valorant players ng Northa America tungkol sa bagong agent na si KAY/O matapos nilang masubukang gamitin ito bago pa man ilabas ang Episode 3 Act 1.

Ang mga kampeon ng VCT Stage 2 Masters Reykjavik na sina Shahzeeb “ShahZaM” Kahn, Tyson “TenZ” Ngo, and Hunter “SicK” Mims ay may pare-parehong opinyon tungkol kay KAY/O.

Iba naman ang reaksyon nina Spencer “Hiko”Martin ng 100 Thieves at superstar streamer na si Michael “Shroud” Grzesiek kay KAY/O.


Unang reaksyon ng mga pinakamahusay na North American Valorant players kay KAY/O

Valorant KAY-O Art
Credit: Riot Games

Iniisip ni Sentinels ShahZam na masayang gamitin si KAY/O

Naalala ng VCT Stage 2 Masters champion ang mechanics ng larong Counter-Strike: Global Offensive nang subukan nya si KAY/O dahil sa pop flashes at grenades nito.

“I want to play this character a lot. KAY/O is going to be so much fun to play. I’m spamming this character in ranked.”

“Nobody can use abilities [against KAY/O]. You can just duel [against opponents] and [teammates] can pick you up [when you’re downed],” paliwanag ni ShahZaM. “The [ZERO/POINT] knife going through walls is busted.”


Sumasabay sa KAY/O hype train si Sentinels TenZ

Sang-ayon si TenZ  sa kanyang teammate na si ShahZam nang sabihin nyang “[KAY/O’s FLASH/DRIVE] right-click is insane.”

“This character hardcore [messes] with over every other agent, almost.” said TenZ. “As a Jett and Reyna player, I like the Episode 3 Act 1 changes.”

Babala: Sensitibong lenguahe


Nadismaya si 100 Thieves Hiko

Si Hiko ang isa sa ilang mga players na hindi nakisabay sa KAY/O hype train.

“In practice and reality, the ZERO/POINT knife is not as good as we thought it would be,” sabi ni Hiko sa kanyang KAY/O reaction video. “It’s because it doesn’t actually work on the abilities themselves, and you have to hit agents, so it’s not that useful.”


Hindi masyadong nabilib si Shroud

May teorya si Shroud sa kanyang KAY/O reaction video na ang bagong agent ay isang character na ginawa para hikayatin ang mga players na gumamit ng mga agents na iba sa madalas nilang ginagamit sa ranked matches. Hindi rin sya masyadong kumbinsido sa mga abilities ni KAY/O.

“I really don’t think he’s that good. I think he’s a cool character. I don’t think he’s insane, but I also don’t think he’s bad. I think he does what he does well and he has a well-rounded kit. He has flashes, he has nades, and he’s got info.”

Nagpaliwanag din ang superstar streamer tungkol sa kit ng bagong Initiator at sinabing “His flashes are going to be his biggest use. The information you get from his dagger is good, but you have to position it correctly.”

Napakahusay nang gumamit ng KAY/O ni Sentinels SicK

Sa halip na gumawa ng sariling KAY/O reaction video, ipinakita ni SicK kung paano gamitin nang maayos ang abilities ng bagong agent sa isang 5v5 custom game sa Ascent kasama ang ibang North American Valorant pros.

Kalaban nya si Peter “Asuna” Mazuryk ng 100 Thieves, na gumagamit din ng KAY/O.

Ipinakita ng VCT Stage 2 Masters champion kung paano ang tamang pagbato ng pop flash gamit ang FLASH/DRIVE ni KAY/O sa simula ng video. Ipinakita rin ni SicK kung gaano kalakas si KAY/O sa close-range fights kapag na-suppress nya ang kalaban.

Matapos makahuli ng apat na kalaban gamit ang ZERO/POINT suppression blades, nagbato si SicK ng flash na bumulag sa buong A-main na nagbigay sa kanya ng 4K.

Maari nang magamit si KAY/O kasabay ng pagdating ng Episode 3 Act 1, kasama ng bagon Battle Pass.