Pauwi na ang XERXIA Esports mula sa Valorant Champions 2022, matapos ang makabasag-pusong 1-2 loss na kanilang natanggap mula sa KRU Esports.
Sila ang ikalawang APAC team na natanggal sa tournament, kasunod ng pagkatalo ng BOOM Esports sa kamay ng Zeta Division sa Group B. Kung kaya’t Paper Rex na lamang ang natitirang APAC team na nakatayo sa Champions – hahrapin nila ang Team Liquid para makapasok sa playoffs at mapanatiling buhay ang pag-asa ng rehiyon sa Istanbul.
Sa elimination match ng Group C, sinugod na parang bagyo ng KRU ang Icebox para sa isang dominanteng 13-4 win, bago pa man muling nabuhayan ang XERXIA upang gumanti ng isang 13-7 victory sa Haven. Pinagdesisyunan ang series sa Ascent, na kinalaunang kinuha ng Latin American squad sa isang tagilid na 13-6 win.
Sa isang post-match interview, nagbigay si Itthirit “foxz” Ngamsaard ng XERXIA ng isang simpleng dahilan ng kanilang pagkatalo: Mas maganda ang tutok ng kalaban.
Mas maganda ang tutok ng KRU, ayon kay foxz ng XERXIA Esports

“Our aim could not match KRU,” sabi ni foxz. Mainit ang KRU star na si Angelo “keznit” Mori sa mga maps kung saan nanalo ang kanyang team, kung saan 20/6/10 siya sa Icebox at 23/12/9 naman sa Ascent.
Sa kabuuan ng series, nakakuha siya ng 15 first kills kumpara sa walo ni Thanachart “Surf” Rungapajaratkul, patunay sa kanyang reputasyon bilang isa sa mga halimaw na carries sa game.
Naging matumal naman ang series para sa XERXIA duelist, malayong malayo ito sa kanyang ipinakita sa Masters Copenhagen, kung saan isa siya sa mga pinakaepektibong players sa pagkuha ng first kill sa isang round.
Lubhang mapanganib si keznit gamit ang kanyang Jett sa Ascent, na matapang na sumusugod sa Mid habang nasa defense at kadalasang nakakakuha ng hindi bababa sa isang kill. Mahusay din ang ipinakita ng KRU support player na si Roberto Francisco “Mazino” Rivas Bugueño, na nagtapos sa series na may 45/32/27 KDA.
Ipinakita rin ng Latin American squad na mas epektibo sila sa trading at pag-assist sa isa’t isa, na may Kill, Assist, Survive, Trade (KAST) percentage na mahigit 70 percent across the board. Kung ikukumpara, walang miyembro ng XERXIA ang nakakuha ng mahigit 66 percent, habang may iba rin na nasa 50 percent range lang.
Bagama’t nakakabilib pa rin ang Thai squad sa Haven salamat sa Neon ni Panyawat “sushiboys” Subsiriroj, hindi pa rin nila nagawang bitbitin ang momentum papuntang Ascent.
Maglalaro ang KRU Esports para sa kanilang Champions playoffs decider match sa September 8, 1:00 p.m. GMT+8. Ang match ay mapapanood nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Valorant.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.