Malapit nang maging available ang Sentinels of Light bundle ng Riot Games!
Ang bagong cosmetic skin set ay ang katapat ng Ruination bundle na inilabas ilang linggo na ang nakalipas kung saan tampok ang unang long-sword melee weapon na nakita natin sa Valorant.
Valorant Sentinels of Light bundle
Ang Sentinels of Light bundle ay may kasamang Vandal, Operator, Sheriff, Ares, at melee. Ang lahat nang items sa bundle ay may white/black, pink, red/green, at blue/purple variant colors na maaaring paggpilian, kasama ang isang unique na kill animation at finisher.
Ang bundle ay may kasama ring Sentinels of Light player card, gun buddy, at spray.
Ang Sentinels of Light event ng Riot Games ay nagaganap sa League of Legends, Legends of Runeterra, Wild Rift, at Valorant. Magtatagal ito hanggang August 10, 2021.
Ano ang kwento sa likod ng Sentinels of Light at Ruination events ng Riot Games?

Ang Sentinels of Light ay isang hanay ng mga piling kampeon na may layuning pigilan ang paghahasik ng lagim ng Ruined King na si Viego. Ang sinaunang hanay na pinamunuan nina Senna at Lucian ay naatasang puksain ang Ruination.
Ang Sentinels of Light bundle ay malapit nang mabili sa in-game store. Maaring makita ng mga fans ang mga weapons, player card, gun buddy, at spray sa kanilang collection tab.
Hindi pa sinasabi ng Riot Games ang presyo ng set ngunit kung katulad ito ng Ruination bundle, malamang ito’y magkahalaga ng 8,700 VP (Valorant Points).