Mas pinahaba ng Riot Games ang pagdiriwang ng Lunar New year sa Dance of Luck gun buddy na pwedeng maidagdag ng mga players sa kanilang koleksyon nang libre.

Hango sa costume ng traditional Chinese lion dance, maaaring magdala sa iyo ng swerte ang gun buddy na ‘to kung medyo malas ka sa mga ranked matches.

Ang kailangan mo lang upang ma-unlock ito ay isang Amazon Prime account, pero kung wala, pwede mo pa rin ma-activate nang libre ang 30-day trial upang makuha ang gun buddy.


Paano ma-unlock nang libre ang Dance of Luck gun buddy

Valorant Dance of Luck Gun Buddy Amazon Prime
Credit: Amazon

Ang Dance of Luck gun buddy ay maaaring i-claim sa Prime Gaming website. Para makuha ito, mag-login lang sa Prime Gaming gamit ang iyong Amazon Prime credentials at i-click ang “Claim Now”.

Kailangan mo ring i-link ang iyong Riot Games account sa iyong Prime Gaming. Ang gun buddy ay magiging available sa iyong account sa susunod na mag-login ka sa Valorant.

Ang mga Amazon Prime subscribers ay binibigyan ng mga libreng limited-time in-game items buwan-buwan. Kabilang sa mga nakaraang items ay ang Wayfinder Shorty, Arcane Jinx player card, at iba pang mga buddies at sprays.

Paano i-activate ang 30-day Amazon Prime free trial

  1. Gumawa ng Amazon account.
  2. I-link ang iyong Riot Games account.
  3. Magpunta sa Valorant section ng Prime Gaming upang makita ang lahat nang mga limited-time unlockables.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.