Alam natin na magkakaroon ng pagbabago noong inanunsyo ang Valorant Replication game mode, kung saan limang agents na parehas ang uri ay makikipaglaban sa lima pang agents na parehas ang uri. Mukha namang ine-enjoy ito ng mga players at nagiging katuwaan, tulad ni TenZ ng Sentinels.
Bago siya umalis para sa Reykjavik, Iceland para lumaban sa VCT Stage 2: Masters, nakapag-stream siya ng ilang laro ng Valorant Replication at natuklasan kung gaano nakakatuwa at nakakainis ang baong game mode na ito.
Ito ang kung paano nagiging nakakainis ang limang parehas na Valorant agents, ayon kay TenZ:
5. Ginawang Tower Defense ng Killjoy ang Valorant Replication
Magkakaroon ka ng ibang klaseng laro sa limang Killjoys, at para kay TenZ, nagmumukhang isang Tower Defense ang Valorant Replication dahil dito. Maari mong bantayan ang isang site nang walang takdang oras gami ang limang turrets, limang baril, at mga granada. Hindi rin malilimutan kung gaano kalakas ang map control na naibibigay ng limang Lockdowns.
Warning: May pagmumurang sinabi sa videong ito.
4. Hindi matagusan ang walls ni Sage
Nakakainis na si Sage magisa, ngunit isang nightmare na ang lima o kahit sampung Sages sa Valorant Replication. Si TenZ at ang kaniyang team ay mabilisang nakulong sa mid sa Icebox. Hindi rin makakalimutan ang lahat ng iba’t-ibang off angles na nagagawa ng limang Sages.
Warning: May pagmumurang sinabi sa videong ito.
Maari rin itong mangahulugan ng mga memes, at ang ibang players ay nagbabato na lang ng slow orbs kung saan-saan.

Unang patakaran? Hindi natin pag-uusapan ang Sage Club.
3. Naging green ang buong map dahil kay Viper
Dahil sa limang Vipers, napinturahan na ang buong screen mo ng kulay berde sa loob ng limang straight rounds. Maging Toxic Screen, Poison Cloud, o Viper’s Pit, ang limang Vipers ay maaring magdulot ng isang creative na gameplay. Sinubukan ni TenZ gumawa ng geometry pattern gamit ang limang Toxic Screens, na hindi naman gumana ngunit nagmukhang cool. Ngunit nalaman ni TenZ na mawawala ang lahat ng direksyon mo dahil sa limang Vipers. Ngunit maari rin ito ay dahil sa limang Astras na kalaban nila.
Warning: May pagmumurang sinabi sa videong ito.
2. May hukbo ng hayop si Skye
Sa limang Skyes sa Valorant Replication, nagkaroon ka na ng isang hukbo ng hayop. Mayroon ka nang limang jellyfishes, limang aso, at labinglimang hawks. At mayroon pang sampung Skyes, kaya mga limang-pung creatures na ang tumatakbo-takbo, at mayroon ka pang incoming headshots. Ito ay kaguluhan, ngunit fun naman ito!
Panoorin kung paano nag-enjoy si TenZ sa animal army na dinala ng limang Skyes!
Warning: May pagmumurang sinabi sa videong ito.
1.Walang katapusan ang Sky Smokes ni Brimstone
Kung naging babala ang Valorant Replication teaser trailer, ang Sky Smokes ni Brimstone ay maaring taguin ang lahat ng mga kinakailangang corners, windows, at choke points sa isang mapa. Nakaka-disorient at nakakalito ito para sa lahat, pati na rin sa mga Brimstones! Plus, ang pagkita ng limang Orbital Strikes nang sabay-sabay ay sapat na para mag-panic ka.
Warning: May pagmumurang sinabi sa videong ito.