Ang mga top squads ng kani-kanilang mga rehiyon, ang LOUD at OpTic Gaming ay naging mahigpit na magkaribal sa kabuuan ng taon. Hinarap nila ang isa’t isa nang limang beses ngayong 2022.

Sa group stage, bumira ang OpTic ng unang panalo sa score na 2-1 sa winners match ng Group B. Bumawi naman ang LOUD pagdating sa upper bracket final sa isang maugong na 2-0. Nagtuos ang dalawang teams upang malaman kung sinon ang mas mahusay sa huling VCT match ng taon.

Nangibabaw sa huli ang LOUD at kinoronahang Valorant world champions matapos nilang talunin ang OpTic Gaming 3-1. Maganda ang ipinakitang performance ng Brazilian squad sa kabila ng pressure, kung saan nanalo sila sa dalawang mapang umabot sa overtime.

Sa kanilang pagkapanalo ng unang pwesto sa Valorant Champions 2022, nag-uwi ang LOUD ng US$300,000. Inuwi rin nila ang Champions trophy na hinahangad ng marami, na kanilang ipagtatanggol sa kanilang balwarte sa pagsisismula ng VCT 2023 season sa unang international event ng sususnod na taon sa Sao Paulo, Brazil.

Brazilian Valorant naghari sa Istanbul

LOUD Valorant Champions 2022
Credit: Riot Games

Comeback win ng LOUD sa Ascent

Matapos matalo sa unang dalawang rounds, pumalag ang OpTic at nanalo nang anim na sunod-sunod na rounds. Malakign tulong si Jimmy “Marved” Nguyen, nakakauha ng mga mahahalagang kills gamit ang mga lurk plays na talaga namanag bumulaga sa mga kalaban.

Bagama’t map pick ng LOUD ang Ascent, nakuha ng OpTic ang lamang 9-5 na sinamahan pa ng nakakabilib na pistol at buy-round wins pagkatapos ng halftime.

Sa mga clutch na nagagawa nina Pujan “FNS” Mehta at Marved sa mga crucial na rounds, tila OpTic na talaga ang magtatagumpay matapos makuha ang lamang sa score na 12-8. Subalit hindi nagpatinag ang LOUD at bumwelta gamit ang mga agresibong push sa defense an tumulong sa kanilang makakuha ng mga early-round kills.

Tinodo ng LOUD ang kanilang defensive play, kung kaya’t hindi makapasok sa magkabilang sites ang North American team. Rumagasa sa isang four-round win streak ang Brazilian squad upang magkaroon ng overtime.

Pinamunuan ni Gustavo “Sacy” Rossi ang kanyang team tungo sa tagumpay, kung kaya’t siya ang tinanghal na map MVP na may 32/14/16 KDA at ACS na 313.



Hindi matibag ang Green Wall sa Bind

Sa map pick ng OpTic na Bind, nagdomina ang North American squad sa unang half na nagresulta sa isang matikas na 10-2 lead. Ang susi ng tagumpay ng OpTic ay nagmula sa kanilang mga push sa A Short.

Sa Round 11, ginamit ng OpTic ang Toxic Screen ni Viper upang ma-control ang A Lamps, matapos ay pumeke sila ng Guiding Light flash ni Skye papasok ng U-Hall upang makakuha ng dalawang kills si FNS.



Muling sumubok ng isa pang comeback ang LOUD na kumuha ng apat na sunod-sunod na round wins pagkatapos ng unang half. Gayunpaman, naubos ang pag-asa ng Brazilian squad matapos masolusyunan ng OpTic ang kanilang kakulangan sa depensa at ipanalo ang huling tatlong rounds upang gawing tabla a ng series 1-1.


Panalo sa bardagulan ang LOUD sa Breeze

Maganda ang naging simula ng laban para sa OpTic sa ikalawang map pick ng LOUD na Breeze. Ginamit ng OpTic ang kanilang double Operator strategy upang pagtibayin ang kanilang depensa at palakihin ang kanilang lamang hanggang 6-1.

Sa bingit ng pagkuha ng OpTic ng isa na namang malaking kalamangan, ipinakita ng LOUD ang kanilang tatag at ipinanalo ang huling limang rounds bago matapos ang half upang maging tabla ang score 6-6.

Sa mga sumunod na rounds, tila pantay ang husay ng dalawang magkabilang teams. Nagpatuloy silang magpalitan ng rounds hanggang sa mauna ang OpTic na makakuha ng match point – ito’y bago buhatin ni Erick “aspas” Santos ang kanyang team papunta sa overtime gamit ang kanyang nakakabilib na Jett play.



Sa huli ay nagwagi pa rin ang LOUD, na kumuha ng 2-1 lead matapos manalo sa Breeze, 15-13. Nagpatuloy si aspas sa kanyang mga impact plays, kung saan nahuli niya ang OpTic gamit ang kanyang Operator sa attack side sa ikalawang overtime.


Brazilian team kinoronahang kampeon sa Haven

Sa ikalawang map pick ng OpTic na haven, LOUD naman ang nanguna at kumuha ng first three rounds. Nagawa naman ng optic na mag-regroup upang idikit ang laban sa halftime na 7-5.

Nagsimula namang pumitas ang 17-anyos na star ng LOUD na si Felipe “Less” Basso gamit ang kanyang Chamber. Sa Round 14, hinarap ni Less ang isang 1v2 situation kung saan maagang nawala ang kanyang team sa iba’t ibang dako ng mapa.



Pinagpatuloy lang ni Less ang kanilang momentum, na nagpatama ng mga 180-degree shots na nagbigay sa kanya ng ace sa Round 16 matapos pigilan ang C Link at Garage push ng OpTic papuntang A site,



Derecho na lang ang tingin ng LOUD, na ipinanalo ang sumunod na anim na rounds papunta sa kanilang unang global Valorant tournament championship.

Sa pagtatapos ng VCT 2022 season, ang lahat nang organisasyon, teams, at players ay lilipat sa bagong partnership program na magsisimula sa susunod na taon kung saan ang mga franchise-approved teams ay lalaban sa tatlong international leagues.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.