Gusto mo ba ng libreng player card na maiyayabang mo sa iyong mga Valorant games?

Namangha at nabigla ang madaming fans ng ipinalabas ng Riot Games ang bagung-bago na lore cinematic trailer sa kalagitnaan ng salpukan sa Grand Finals ng Valorant Champions Tour (VCT) Stage 2 Masters in Reykjavík, Iceland.

Pinamagatang “Duality”, inihain ng game developer ang mainit na trailer sa fans matapos ang pangalawang laban ng Sentinels at Fnatic. Karugtong ang bagong pakawala ng Riot ang cinematic na nilabas ng Valorant noong June 2020.

Libreng Access sa exclusive player cards para sa mga VCT viwers

Tampok sa mga free Valorant player cards ang mga twist na kuha sa ‘Duality’ trailer. Madiing ipinahiwatig ng trailer na maraming alternate worlds ang nagnanais mapasakamay ang Radianite.

Kaya naman ipinakita sa mga player cards ang preparasyon nina Yoru, Jett, Viper, Phoenix, at Cypher sa pagtalon papasok ng portal papunta sa parallel reality.

Maaaring bisitahin ng mga players ang redeem.playvalorant.com kung saan puwedeng makuha ang libreng exclusive player card. Gagamitin lang nila ang special code na YTILAUD para magawa ito.

Noong ibinalita ng Riot Games ang mga libreng player cards sa komunidad, binigyan lamang nila ng 48 oras ang mga tao para ma-redeem ito.

Subalit dahil sa instability ng code redemption tool ng site, masyadong tumaas ang traffic at madaming nahirapan sa pag-redeem. Para maiwasan ang kaganapang ito, tinanggal agad ng Riot ang time limit at expiration ng redeem code.

I-follow ang PlayValorant Twitter page para maging updated kung kalian ulit maaaring makakuha ng libreng player cards!

Paganda ng paganda ang kuwento ng Valorant

Walang duda na mas marami pang tanong ang gustong masagot ng mga Valorant fans sa pagpapatuloy ng istorya. Nabanggit ng Riot  na nais pa nilang palalim ang kwento tungkol sa Kingdom na isang sikretong organisasyon sa nabanggit din sa laro.

Habang wala pa ito, maaari munang pukawin ng fans ang kanilang excitement dahil ayon sa game developer ay may idadagdag na bagong agent sa Patch 3.0