Magsisimula na sa linggong ito ang bakbakan ng mga teams sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs, kung saan maglalaban-laban ang 16 teams upang tanghaling kampyon.

Ang top two finishers ang kakatawan sa SEA region sa VCT Stage 3 Masters Berlin sa September.

Nagbabalik ang VCT Stage 2 Masters Reykjavik representative na X10 upang ipagtanggol ang kanilang korona. Kasama rin maglalaro ang mga dating VCT SEA Playoffs teams na Bren Esports, FULL SENSE, Cerberus Esports, at CBT Gaming, kasama ng iba pa.

Ang 16 na mga teams sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs

Narito ang 16 teams mula sa 8 regions na maglalaro sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs.

Thailand

  • X10 Esports
  • FULL SENSE
  • Sharper Esports

Indonesia

  • ONIC Esports
  • Alter Ego
  • BOOM Esports

The Philippines

  • Bren Esports
  • Galaxy Racer
  • Oasis Gaming

Vietnam

  • Team Big BAAM
  • Cerberus Esports
  • EGO

Hong Kong and Taiwan

  • CBT Gaming
  • Five Ace Esports

Malaysia and Singapore

  • UwU
  • Paper Rex
Valorant VCTStage3Challengers SEAPlayoffs GroupStage
Credit: PPGL

Ang group stages para sa VCT SEA Stage 3 Challengers Playoffs ay gaganapin mula August 12 hanggang 15. Ang unang match ay magsisimula nang 11:00 a.m. GMT+8.

Ang playoffs ay gaganapin sa kasunod na linggo, mula August 19 hanggang 22.

Mapapanood ang mga matches live sa mga sumusunod na broadcast channels: