Naka-lock in na ng pwesto ang Natus Vincere (NAVI) sa VCT 2023 EMEA league. Simula noon, hinayaan ng Ukranian organisasyon ang kaniyang Valorant roster na mag-explore ng kanilang options para sa susunod na taon, at nagmumukhang magkakaroon ng isamg massive rebuild sa loob.   

Lumahok ang roster ng Ukranian organisasyon sa VCT EMEA Stage 1 at 2 Challengers Main Events, ngunit hindi nakaabanse sa playoffs. Hindi rin sila umabot sa EMEA Last Chance Qualifier para sa Champions 2022, tinalo nila ang Guild Esports ngunit natalo sa Team Liquid at G2 Esports.  

Nabigay ng mga oportunidad ang off-season para makapag-upgrade sila, matapos ma-disband ang M3C at hindi pagpili sa FunPlus Phoenix para sa franchising. Ang dalawang teams na ito ay puno ng mga top-tier talent sa CIS region – at nagmumukhang pumirma na ng kanilang unang player ang NAVI. 

Sa isang video na inanunsyo ang kaniyang partnership selection, isang NAVI jersey sa isang merchandise room ay may nakitang mayroong Kyrylo “ANGE1” Karasov na pangalan dito, halos ikumpirma na nakahanap na ng panibagong team ang FPX in-game leader.  

Mukhang sasali sa NAVI Valorant si ANGE1 

Valorant NAVI ANGE1 jersey
Credit: NAVI

Makikita ang jersey as 0:38 mark habang naguusap ang mga NAVI staff tungkol sa pagdating ng mga samples para sa 2023.  

Sa ilalim ng pamumuno ni ANGE1, nangibabaw bilang top team ang FPX sa EMEA region sa Stage 1, bago maipanalo ang Masters Copenhagen sa kanilang international debut. Sa Champions 2022, nagpatuloy silang magbigay ng isang solid performance at tinapos ang tournament sa fourth place.  

Tulad ng NAVI, mula sa Ukraine si ANGE1, kaya mukhang swak lang na siya ang unang itukso ng organisasyon sa kanilang roster.  

Mukha ring kukunin ng NAVI ang buong FPX roster, kasama si coach Erick “d00mbr0s” Sandgren. Wala sa mga players ang nagsabing naghahanap sila ng team.  

Ang mga organisasyon naman tulad ng Acend at G2 Esports na hindi natanggap sa EMEA league ay nakitang naghahanap ng mga oportunidad ang mga players nila. Kasabay niyan, ang mga FPX players na sina Dmitry “SUYGETSU” Ilyushin at nag-retweet din ng free agent announcements mula sa mga NAVI players na na-bench. 

Pinapayagang mag-sign ng mga players ang mga teams simula September 26, kaya maaring makakita na tayo ng mga anunsyo sa susunod na araw.